Excuse Letter ng Isang Estudyante sa Nueva Ecija, Umani ng Marami Komento at Marami ang Naantig dito!





Nitong July 9 lamang isang nakakaantig na excuse letter ang natanggap ng guro mula sa kanyang estudyante. Kapwa sila ay taga Bongabon National High School sa Baranggay Sinipit, Bongabon, Nueva Ecija, at kung pamilyar sa iyo ang mga katagang nasa itaas ay dahil pinost ito ng kanyang guro na si Christian Jay Ordoña at ilang sandali pa lamang ay nagviral na agad sa social media.

Ayon kay Ordoña, parang nabiyak ang kanyang puso ng nabasa niya ang excuse letter ni Marinel. Kaya naman naisipan niya itong Ipost sa kanyang facebook account at hindi ito inaasahan na na nakaani ng iba’t ibang reaction dahil sa pursigido itong mag-aral kahit nakakaranas sila ng kahirapan sa buhay.









Narito ang excuse letter ng bata:

"Dear Sir Jay,
Sorry po sir jay hindi po ako nakapasok kaninang umaga dahil wala po akonh baon, kangina lang po nakahanap si nanay ng baon naming.
Sorry po. 
Ayon sa isang article, Ang pinost ni Ordoña ay umabot sa mga taong mabubuting loob kaya naman nagpost siya ulit upang pasalamatan ang lahat ng mga taong nagpaabot ng tulong sa kanyang estudyante."






Ang nanay ni Marinel ay naghahanap buhay sa palengke bilang pagrerepack o pagbabalot ng mga ibinibentang sili at sibuyas. Habang nagbebenta naman ng uling ang kanyang ama. Kaya sa kaunting sahod na kanilang kinikita, nahihirapan ang magulang ni Marinel na bigyan siya ng baon papuntang eskwela.

Ayon naman kay teacher Ordoña, masarap ang pakiramdam ng marami ang tumutulong upang mabago ang buhay ng kanyang estudyante. Di rin daw niya inaakalang ang simpleng excuse letter na iyon ay makakapukaw ng pansin sa mga tao at magbigay inspirasyon sa iba upang gumawa ng kabutihan.




Sa pamamagitan ng pinagsama-samang tulong mula sa mga mapagbigay na indibidwal, nakakapasok na ng eskwelahan si Marinel nang hindi nagaalala para sa kanyang baon.




“Sana marami pa po mainspire na magpatuloy sa buhay kahit anuman ang mangyari. FAITH IN HUMANITY RESTORED. ❤” sabi ng guro sa kanyang post para sa lahat ng taos pusong tumulong sa bata.








Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!