Grab Driver, Minaliit ng Sobra ng Kaniyang Pasahero na Mayaman Daw Ngunit Hindi Marunong sa Spelling!







Sa gusto man natin o hindi, ang mga draybers din ay may kanya kanyang reklamo patungkol sa kanilang mga pasahero. Sa katotohanan, sa loob ng ilang taon, madami na ang mga nabasa natin sa social media patungkol sa mga pasahero na nagrereklamo ng kanilang mga masasamang eksperyensya sa pagsakay sa mga pampublikong sasakyan. Madalas, ang mga reklamo nila ay ang masamang customer serbis at mga dagdag pasahe na sinisingil sa kanila ng mga drayber ang reklamo ng mga komuters.

Ngunit, may mga ilan din na hindi kasalanan ng draybers ang mga pangyayari. Minsan kasi ang mga pasahero ay walang konsiderasyong patungkol sa mga draybers na iniisip din ang kanilang safety sa paghulog sa kanila sa kanilang mga destinasyon. Katulad na lamang ng kwento ng isang grab drayber na ito at ng kaniyang pasahero.






Base sa mga larawan na ibinahagi ng Grab PH Stories sa facebook, isang pasahero ang nagtext di umano sa grab drayber na ito na nagsasabing dapat itong maging palakaibigan sa susunod sa pasahero nito. Sa karagdagan pa, sinabi ng pasahero na gusto pa naman sana niya ang drayber. Ngunit sa halip na pasalamatan ng drayber ang pasahero, sinabi nito na sa susunod ay kailangan may konsiderasyon naman ang pasahero lalo na kung nakatira ito sa mga makikitid na kalsada.






Sa rason na ito, ang pasahero ay sumagod ulit sa drayber na sinabi nitong magsasampa ito ng kaso patungkol sa drayber. Sinabi din niya na hindi siya umano nakatira sa lugar na makitid na sinasabing squatters area at siya lamang ay nakiligo sa kaniyang kaibigan dahil walang umanong kuryente sa kaniyang tinitirhan. Tinawag din niya ang drayber na ito ay hindi edukado, mahirap at mayabang.

Sa kaniyang pagsagot, sinabi ng drayber na siya rin di umano ay nakatira sa isang condo sa loob ng tatlong taon na. Ngunit kahit kalian ay hindi ito nakaranas ng pagkawala ng kuryente at ang kanilang building ay may sariling mapagkukunan ng kuryente. Ang pasahero ay lalong uminit ang ulo at talagang sinabi na ito ay irereport niya umano sa ahensya ng Grab, ngunit imbis na matakot ang drayber, tinuruan nito ng leksyon at sinabing wag magpanggap na mayaman ito sa susunod.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Bansang Japan, Namimigay ng Libreng mga Abandonadong Bahay sa Kung Sino Man ang Gustong Tumira

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!