INSPIRING: Isang Babae na Nakapagtapos ng Cum Laude sa UP, Pumasok sa 8 na Trabaho Habang Nag-aaral




Sa usapang pang pigyuratura, ang buhay ay hindi patungkol sa pagkain lamang ng vanilla ice cream at ng tsokolate palagi. Minsan, ang buhay natin ay maaring maging mapait at maasim gaya na lamang ng lemon. Kahit pa ganoon, kinakailangan nating maging metatag sa buhay kahit ano pa ang pagsubok na ibato nito sa atin. Gaya na lamang ng katagang  “when life gives you lemons, then make lemonade.”

Halimbawa na sa linya o katagang ito ay ang mga importanteng lesson na maaring matutunan natin mula kay Geoselle Dela Cruz, isang cum laude na nakapagtapos sa University of the Philippines. Ayon sa kaniya, hindi sapat ang kanilang kapasidad na pinansyal upang masuportahan ang kaniyang pagaaral. Inamin pa ni Geoselle na ito ang naging daan niya upang magsikap at pilitin makatapos at makuha ang kaniyang mga minimithi. Sa katotohanan lamang ay pumasok siya sa 8 na trabaho para lang masuportahan ang sarili. 


“There are a lot of things I tried just to keep this UP dream going. Lahat ng raket na pwedeng gawin, I did. Tutor for 3 years, dance choreographer, rappel instructor, taga-transcribe ng thesis ng iba, pa-rummage sale ng own pre-loved clothes, R.A. dito, S.A. doon, sideline here, sideline there, back-up dancer, pati hosting at emcee rakets, judge ng mga pa-dance contests ni Mayor, benta ng pizza rolls, donuts, graham balls, oreo chenes at kung ano ano pang pwede ibenta.”



Kahit na mahirap ang kaniyang pinagdadaanan para lang makuha ang kaniyang mga pangarap, ito ang naging daan upang matutunan niya sa kaniyang sarili ang pagsusumikap. “Natutunan kong hindi lang mamaluktot pero matutong mag-stretch ng sarili at lumabas sa kahon. Hangga’t may raket na pwedeng sunggabin, G. All these rakets provided for me for a little while, but all of these were temporary—It drained me & it didn’t sustain me.”

Sa huli, ang kaniyang natutunan sa buhay mula sa kaniyang #RoadToSablay ay ang pagiging “madiskarte” at ang mga salitang “always trusts in God Almighty”.

Comments

Popular posts from this blog

Pinay OFW Sa Hong Kong Ibinahagi Ang Kanyang "Ipon Challenge" Na Ginawa Lamang In 6 Months

Pinay na Dating Taga-Squatter, Presidente na Ngayon sa Isang University sa Amerika!

Bahay Kubo Sa Labas Pero Mamangha Kayo Sa Modernong Disenyo Nito Sa Loob

Jackpot Ang Lalaking Ito Matapos Makatagpo Ng Wallet Na May Lamang Pera Sa Damit Na Nabili Sa Ukay-Ukay

Isang Basurero Nakapulot Ng Kalahating Milyon Sa Basura Isinauli Sa May-ari At Nakatanggap Ng Pabuya