Ito Pala ang mga Pinoy Artista na Nakapagtapos ng Kolehiyo at may Degree!




Sinong nagsabi na ganda lang ang maibubuga ng mga artista? Nagkakamali sila dahil mayroong mga artista na magpapatunay na hindi lamang sila maganda kundi matalino at matiyaga pa. Isa sa importanteng parte sa kanilang buhay ang makagraduate sa kabila ng busy schedule kaya naman proud nila itong sinasabi sa lahat. Narito ang mga sikat na artista na nakapagtapos pala ng kanilang kolehiyo.

Georgina Wilson




Bago pa man siyang maging host ng Asia’s Next Top Model at maging model sa mga malalaking fashion magazines, Siya ay nakapag-attend ng Economics Honor program ng Ateneo de Manila University. At nakapagtapos ng  double major degree in Commerce Accounting and Finance sa University of Sydney at sa isang magazine sinabi na isa siyang “self-professed math geek.”



Marian Rivera



Ang Primetime queen na si Marian ay nagtapos ng kanyang kolehiyo ng may degree of Bachelor of Arts in Psychology sa De La Salle University DasmariƱas, bago siya sumabak sa buhay showbiz.

Carla Abellana



Si Carla ay hindi lamang magaling sa pag-arte, matalino rin pala siya dahil nakapagtapos siya ng Bachelor of Arts in Psychology sa  De La Salle University –Manila bilang Cum Laude.

Nikki Gil

Maliban sa pag graduate bilang Valedictorian noong High school, nakapagtapos si Nikki sa Ateneo De Manila University ng kursong English Literature.

Bianca Gonzales


Ang pinoy big brother host ay grumaduate ng AB Communication Arts sa Ateneo de Manila University.



KC Concepcion



Ang anak ni megastar Sharon Cuneta na si KC Conception ay pinag-aral niya sa American University of Paris ng International Corporate Communications, Minor in Theater Arts.

Maricar Reyes

Siya ay nagtapos ng kursong BS Biology noong 2002 sa Ateneo de Manila University at bilang maging ganap nang doctor grumaduate naman siya ng Medicine sa University of Santo Tomas.

Charlene Gonzales



Natapos niya ang kanyang pre-med na B.S. Psychology sa University of Santo Thomas ngunit hindi na niya ito natuloy ng medicine dahil pinili niya ang show business.

Agot Isidro


Ang actress na si Agot Isidro ay grumaduate ng magna cum laude ng Fashion Buying and Merchandising sa  Fashion Institute of Technology, New York. Bago iyon, kumuha siya ng Masters in Communication sa Ateneo de Manila University at tinapos rin niya ang kanyang undergraduate degree na Interior design sa University of the Philippines.

Tippy Dos Santos



Noong high school, nagtapos siya bilang salutatorian sa Reedley International school. Ipinagpatuloy niya ang pag-aaral sa University of the Philippines at nag-aral ng Family Life and Child Development.



Comments

Popular posts from this blog

Pinay OFW Sa Hong Kong Ibinahagi Ang Kanyang "Ipon Challenge" Na Ginawa Lamang In 6 Months

Pinay na Dating Taga-Squatter, Presidente na Ngayon sa Isang University sa Amerika!

Bahay Kubo Sa Labas Pero Mamangha Kayo Sa Modernong Disenyo Nito Sa Loob

Isang Basurero Nakapulot Ng Kalahating Milyon Sa Basura Isinauli Sa May-ari At Nakatanggap Ng Pabuya

Jackpot Ang Lalaking Ito Matapos Makatagpo Ng Wallet Na May Lamang Pera Sa Damit Na Nabili Sa Ukay-Ukay