Joao Constancia, Umamin na may Relasyon at Ugnayan sila ni Elisse Josson!




Madalas na kaso ang pagiging magkalapit ng dalawang artista kapag sila ay nagkatrabaho na. Ang mga panahon na ginugol nilang magkasama sa set habang sila ay nagtataping ng kanilang pelikula at pati narin ang mga pahinga sa bawat set ay ang mga pagkakataon kaya nagiging magkalapit ang mga artista. Kaya naman ito din ang naging dahilan para kay Elisse Joson at ang ang Boyband PH na mga myembro upang maging magkalapit na mga magkakaibigan. Ngunit, para kay Joao Constancia at Elisse, ang kanilang bond ay mas makapal pa sa tubig.

Ang boy group na ito at si Elisse ay kamakailan ay naimbita sa isang guesting sa “Tonight with Boy Abunda.” Sa kanilang unang pagpapakita sa palabas, kinamusta ni Tito Boy ang patungkol sa kanilang unang proyekto na magkakasama: “Wansapanataym Presents: Ofishally Yours.”. 



Ito ang unang acting na proyekto ng boyband PH. Itinanong din ni Tito Boy isa isa ang mga myembro patungkol sa opinion nila kay Elisse. Noong si Joao na ang sasagot, ibinahagi niya kung paano niya nalaman na sila pala ay mag kamag anak. “Yung teaser po namin was showing on TV and my ninong saw it. Tinext n’ya po ako agad. Sabi n’ya, ‘Uy, Joao alam mo bang kamag anak natin si Elisse?’ I’m like, ‘Really?'”

Si Joao Constancia, kasama sina Ford Valencia, Niel Murillo, Russel Reyes, and Tristan Ramirez ang bumuo sa BoyBand PH. Ang grupo nila ay nabuo noong nanalo sila sa isang ABS-CBN reality show “Pinoy Boyband Superstar” noong 2016. Ang boybnd singer na ito ay noon nalink sa kapamilya star na si Sue Ramirez. Ang dalawa ay nakitang lumalabas noong 2017 at kinumpirma nila ito mismo noong Oktubre ng parehong taon.

Si Elisse Josson naman ay nagsimula ng kaniyang karera noong 2013 noong siya ay lumabas sa isang episode ng “Wansapanataym: The Fairy Garden” bilang si Labmbana. Ngayon a y may mga pelikula siya kasama ang kaniyang loveteam partner na si McCoy De Leon.


Comments

Popular posts from this blog

Pinay OFW Sa Hong Kong Ibinahagi Ang Kanyang "Ipon Challenge" Na Ginawa Lamang In 6 Months

Imbes Na Masaya Ay Mas Nalungkot Ang Lalaking Ito Sa Araw Ng Kanyang Graduation

Napaiyak Ang Lalaking Ito Matapos Maibalik Pa Ang Napakalaking Halaga Ng Pera Na Kanyang Nalaglag

Pinay na Dating Taga-Squatter, Presidente na Ngayon sa Isang University sa Amerika!

Isang Babae ang Nag-Viral Matapos Magsuot ng 4Kgs na Baggage Upang Makaiwas sa Pagbayad ng Extra Baggage Fee