Mga Netizens, Naantig sa Kwento ng Isang Matandang Nagtitinda ng Puto







Aminin man natin o hindi, ang facebook ay minsan ng mayroong mga netgatibo at mga karumaldumal na mga posts. Gunit may mga iilan parin na mga netizens ang ginagamit ang facebook bilang isang site na mabuti padin para sa ibang kapwa tao.

Makalipas ang ilang araw, isang facebook post ang kumalat patungkol sa isang matandang tindera na nagpaantig sa social media. Ayon sa Matalinong Matsing na facebook post, isang sender ang nagpahayag ng kaniyang kwento matapos siyang makakita ng isang matanda na nagtitinda ng puto na mayroong sakit sa likod.



Ngunit sa kabila ng kaniyang edad at kalagayan, ang matanda ay patuloy na gumagala sa kalsada habang nagbubuhat ng mga basket ng tinda niyang puto. Nilalako niya maghapon ang kaniyang paninda at ang kaniyang kita ay napupunta sa kaniyang dalawang apo. “Napakasipag naman ni nanay talaga kasi nagtitinda po siya ng puto tuwing madalingaraw. Kahit na po ganyan na ang katawan nya ay gumagawa pa rin ng paraan para buhayin nya ang dalawang apo nya na iniwan ng anak nya sa kanya.”



Kaya naman para matulungan ang matanda, ang facebook user na ito ay nagbigay kay nanay ng 100 piso. Akala ng matanda ay bumibili pa nga ang facebook user na kinalaunan ay binibigyan niya ng tatlong supot ng puto. Ngunit ang netizen ay hindi tinanggap ang tinda at sinabing donasyon niya ito para sa matanda.  “Binigyan ko na lang ng 100 pesos at sabay bigay niya sa akin ang 3 plastic na puto, sinabi ko ‘huwag na ‘nay tinda mo na lang yan pandagdag sa kita niyo at pagtiyagaan mo nalang ‘yan dahil yan lang ang laman ng wallet ko’.”

Hinihikayat ang mga netizens na bumili ng puto kay nanay sakaling makita natin ito sa kalsada. Ngayon, ang facebook post na ito ay mayroon ng 32,000 shares, 10,000 reactions.



Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!