Nanay ng Batang Iniwan sa Kotse na Humahagulgol sa Iyak, Nagsalita na at Mas Ikinagalit ng mga Netizens ang Sinabi Niya







Alam niyo ba ang viral video ngayon ng isang bata na iniwan sa loob ng kotse habang ang kaniyang magulang ay uminom sa isang pampublikong gimikan? Ngayon, nagsalita na ang ina patungkol sa insidenteng nangyari.

Ayon sa isang Facebook post ng isang netizen na nagngangalang Vinna Vinz, ang nanay ay nagkomento sa mga video na ngayon ay kumakalat na sa internet. Ayon sa kaniya: “May ari ung husband k ng resto… kumain aq sandali. Nakita pa nga aq ng guard. Nagalit aq dahil nagmumura ung lalaki lasing na jumuha ng video dahil babasagin nya ung sasakyan actually naka open ang window at ang sasakyan nde nka lock un…”



Ngunit, sa malapitang kuha ng video, makikitang hindi niya iniwanan ng konting bukasan ang bintana ng kaniyang sasakyan habang nasa loob ang bata. Dahil dito, nagsimulang umiyak ng malakas ang bata. Ang lalaking kumuha ng video ay talagang galit nag alit at pinagtatawag ang mga gwardya upang hanapin ang may-ari ng kotse at ang mga magulang nito.




Ang isang lalaki na nagngangalang Jasper Pascual ang lalaking nakakita sa bata, sinabi niya na napaka iresponsable ng mga magulang ng bata upang iwanan ito sa isang sasakyan na nakasara para lang magwalwal sa isang pampublikong inuman. Nagpahayag din naman siya ng paumanhin dahil sa mga pinagsasabi niya sa kumalat na video ngunit talagang nairita lang siya at naawa sa bata ng makita niya itong ganoon sa loob ng sasakyan na katabi ng kaniyang sasakyan na nakaparada sa parking ng nasabing establishimento.

Comments

Popular posts from this blog

Matapat Na Airport Security Guard Nagsauli Ng Nalaglag Na Perang Nagkakahalagang P500,000 Sa Isang OFW

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

6 Magandang Benepisyong Makukuha Sa Pagkain Ng Sayote

Batang Scientist Nadiskubre Ang Benepisyo Ng Aratiles Para Sa May Mga Dyabetis

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?