"Nanggaling Din Naman ako sa Kabilang Network", Coco Martin Inulan ng Maraming Komento dahil sa Kaniyang Pahayag






Maraming mga netizens ang nagulat ng inanunsyo ni Coco Martin na ang Probinsyano niya na teleserye ay hindi pa matatapos, pero baka malapit lapit na. Dahil sa mga tagasubaybay nito ay nananatiling umeere parin ito sa network.

Ibinunyag ito ni Coco sa isang TV launch advertisement niya para sa Ajinamoto na ginawa noong July 5 sa Las Casas Filipinas de Acuzar. “Wala pa talagang definite…kung kelan siya matatapos. Hangga’t gusto pa siya ng manonood. Hindi ko masasabi kung hanggang 2019 or hanggang 2018. Pag naramdaman namin na siguro wala na kaming kuwentong mabibigay o hindi na siya gusto ng mga tao, kahit gustuhin pa namin, wala na kaming magagawa. Kailangan na naming tapusin.”


Dagdag pa ni Coco: “Pero hangga’t tinatangkilik pa siya ng mga tao, hangga’t may mabibigay pa kaming bagong kuwento, at hangga’t nakakapag-inspire pa kami ng mga tao, nandiyan pa rin ang Probinsyano.” Dadag pa ni Coco na ang mga produser at ang kaniyang cast ay patuloy na tinitignan ang takbo ng pelikula: “Kasi yun yung nagpapasigla sa amin every day. Para malaman namin kung tamang direksiyon ba ang ginagawa namin every day. Lalo na ngayon, ang daming bagong set of characters na nakapasok, bagong kuwento. May mga action stars na papasok. Kumbaga, napakahaba pa ang tatakbuhin ng kuwento.”

Ayon pa kay Coco, bukas siya  sa pagpunta sa kabilang network na GMA para ipromote ang kaniyang padating na pelikula na pasok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) kasama si Bossing Vic Sotto. “Sana. Nag-guest na ako dati doon. Hindi ko naman pinagkakaila na nanggaling rin naman ako sa kabilang network. Nagsimula ako doon then after that, ang nagbigay talaga sa akin ng major break ang ABS-CBN. Mabait rin sila [GMA] sa akin. Kumbaga, walang problema.”

Comments

Popular posts from this blog

Pinay OFW Sa Hong Kong Ibinahagi Ang Kanyang "Ipon Challenge" Na Ginawa Lamang In 6 Months

Imbes Na Masaya Ay Mas Nalungkot Ang Lalaking Ito Sa Araw Ng Kanyang Graduation

Napaiyak Ang Lalaking Ito Matapos Maibalik Pa Ang Napakalaking Halaga Ng Pera Na Kanyang Nalaglag

Pinay na Dating Taga-Squatter, Presidente na Ngayon sa Isang University sa Amerika!

Isang Babae ang Nag-Viral Matapos Magsuot ng 4Kgs na Baggage Upang Makaiwas sa Pagbayad ng Extra Baggage Fee