Narito ang mga Pinoy Celebrities na Na-inlove sa Kanilang Fans!





Wala nga talagang pinipili ang love, kung ano ka, sino at saan ka man galing. Kung isa kang fan at naitatanong mo kung possible bang mainlove sa iyo ang iyong iniidolo?Ang sagot sa katanungang iyan ay makikita sa nilalaman ng artikulong nito.

Mayroong panahon sa ating buhay na bigla bigla nalang nangyayari ang ma-inlove tayo sa isang tao, kahit hindi natin to inaasahan ay napapasaya naman tayo ng sobra. Tulad ng pagmamahal na nakakahanga dahil sa hindi inaasahang panahon o tao pa natin ito matatanggap.



Narito na ang ilang Celebrities na nahanap ang kanilang “forever” sa isa sa kanilang mga fans.

John Prats



Nang unang makilala ni John Prats ang kanyang asawa ngayon na si Isabel Oli ay isa pala itong fan ng aktor. Humihingi pa raw ito ng artista. Sa hindi inaasahang mga pangyayari naging sila at sa ngayon ay kasal na ng tatlong taon at magkakaroon na ng pangalawang anak.

Alfred Vargas

Yasmine Espiritu Vargas, iyan ang pangalan ng asawa ni Alfred Vargas na dati ay isa lamang fan ng aktor. Lagi itong may poster sa kanyang kwarto at madalas niyang napapanood ang lahat ng kanyang palabas. Na-love at first sight umano si Alfred kay Yasmine nang una niya itong makita. Matapos ang kanyang unang interview, hiningi niya ang numero nito at doon na nagsimula ang kanilang love story. Sa ngayon dalawa na ang anak nila na nagngangalang Alexandra at Aryana.

Alwyn Uytingco





Makikita si Alwyn sa ABS CBN shows na, “Super Inggo,” “Pedro Penduko at ang mga Engkantao,” “Maria Flordeluna,” at iba pa, habang ang kanyang naging asawa naman ay actress sa Kapuso Network. Pareho man silang celebrities, pero nung bata palang daw si Jennica ay crush na niya si Alwyn. Sa katunayan, ibinahagi nito na mababa daw ang grade niya noon sa Math at nang binilhan siya ng kanyang ninang ng notebook na cover kung saan naroroon ang itsura ni Alwyn, ay nainsipre siya kaya pumasa siya sa subject na ito.

Rodjun Cruz


Sa isang report, nung una raw na makita ni Diane Medina ang kanyang kasintahan ngayon na si Rodjun Cruz ay naging fan siya nito. Tumagal ang kanilang relasyon ng 10 years at last year lamang ay nagpropose na si Rodjun sa kanya.

Senator Chiz Escudero


Ang pinakapaboritong politician umano ni Heart Evangelista ay si Senator Chiz Escudero bago pa man sila nagsimulang magdate. Marami man ang hadlang sa pagmamahalan ng dalawa, masaya naman sila ngayon bilang mag asawa.

Richard Gomez



Kilala nang artista si Richard Gomez noong kabataan pa lamang niya, kaya naman ang 12 year old na si Lucy Torres ay nagkagusto na sa kanya. At sa walang panghihinyang noon ay sinabi daw ni Lucy na papakasalan niya si Richard Gomez balang araw hanggang sa kinasal na nga ang dalawa sa totoong buhay.

Mike Enriquez

Isang part time radio reporter si Mike noon nang makilala niya ang kanyang taga hanga na si Lizabeth “Baby” Yumping. Lagi daw dinadalaw ni Baby si Mike sa estasyon ng radio kasama ang mga kaibigan. Sa tingin ni Mike ay ordinaryo lang si Baby hanggang sa naging kaibigan na niya at naging kasintahan na nga. Ang kanilang masayang pagmamahalan ay higit 40 years na.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!

Bansang Japan, Namimigay ng Libreng mga Abandonadong Bahay sa Kung Sino Man ang Gustong Tumira