Para sa mga Magulang: Iwasan na Bigyan ng Grapes ang inyong mga Anak Dahil Isa itong Dahilan ng Pagbara sa Lalamunan ng Bata!






Alam nating mga magulang na ang mga bata ay prone sa choking o pagbara ng isang bagay sa daluyan ng ating oxygen. Ito ang karaniwang nagiging problema ng mga ina sa mga toddlers na sinusubo ang lahat ng bagay na makita.


Kaya naman paalala ng isang concern mommy na si Angela Henderson, isang ina ng dalawang bata at bilang isang clinician, na huwag basta bastang magbigay ng mga pagkain na maaaring makapagbara sa lalamunan ng bata.

Ibinahagi niya ang isang X-ray na nakita niya sa kanyang pinagtatrabahuhan. Sa xray, makikita ang isang grape na prutas na nakabara sa lalamunan ng isang 5 years old na batang lalaki. Ayon kay Angela, kinailangan sumailalim ang bata sa surgery upang matanggal ang grape sa kanyang lalamunan. Isang himala na kahit barado ang kanyang lalamunan ay nakakahinga pa din ito ng kaunti.


Ipinost ito ni Angela sa Social Media at may caption na;






"Attention Parents!

Do you know what this X-ray is of? A grape!

A grape that was lodged in the top of a 5 year olds airway today.

This sweet soul had to be operated on, under general anaesthetic to remove the grape. 

He is VERY lucky that part of his airway was open or else this could have ended badly.

So please be mindful that not all kids chew their food, are in a rush at school to get in the playground etc.

Please be careful. And when in doubt just cut the damn grapes, baby tomatoes etc.

I'm thankful to the pediatrician that shared this and even more grateful to the Mother who gave consent for this to be shared in order to bring awareness to our community."







Alam ng lahat ng magulang na prone ang nabubulunan sa mga bata dahil maliit lamang ang airways at lalamunan nito. Kaya naman prevention ang dapat na malaman ng mga magulang upang hindi mangyari ang ganitong insidente sa mga bata.



Kahit anong solid food ay maaaring maging choking hazard para sa ating mga anak, subalit ang grapes ay ang isa sa pinaka delikado dahil sa sukat nito na makakapagpabara sa sukat ng lalamunan ng isang bata. Mainam na hatiin ito sa maliit na piraso bago ibigay sa inyong mga anak upang makaiwas sa ganitong sitwasyon. 


Ang Pagkain ng grapes ang pangatlo sa pinaka common na pagk@matay ng mga bata dahil sa pagbara nito sa lalamunan. 






Comments

Popular posts from this blog

Matapat Na Airport Security Guard Nagsauli Ng Nalaglag Na Perang Nagkakahalagang P500,000 Sa Isang OFW

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

6 Magandang Benepisyong Makukuha Sa Pagkain Ng Sayote

Batang Scientist Nadiskubre Ang Benepisyo Ng Aratiles Para Sa May Mga Dyabetis

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?