Safe nga ba ang Pag Gamit ng Aloe Vera Soothing Gel? Alamin Kung Ano ang Sinapit ng Lalaking ito sa Pagpahid niya ng Alove Vera Gel!





Isa nanamang sikat na sikat na bilihin ngayon ay ang mga Aloe Vera Soothing Gel na patok sa mga kabataan. Karamihan ay gumagamit nito at ipinapahid ito sa kanilang face, arms at legs upang magkaroon ng malambot na balat. 

Subalit isang netizen ang nakaranas ng hindi inaasahang pangyayari sa pag gamit ng Aloe vera gel na binili nito sa murang halaga. 






Kilalanin natin si Daniel, ang nagbahagi kung ano ang nangyari sa kanyang mukha matapos niyang gumamit ng moisturizer na Aloe Vera. Ayon sa kanya, nagpunta ito sa Divisoria at nakita niya ang isang tindahan na nagbebenta ng bagsak presyong Aloe Vera Gel. Sinubukan nitong bumili at pag uwi ay ipinahid sa kanyang mukha. 




Noong unang araw ng kanyang paggamit ng moisturizer, ibinahagi ni Daniel na lumambot ang kanyang balat subalit makalipas ang ilang araw napansin nito na tila humahapdi at masakit ang kabilang mata at mukha ni Daniel. 




Ayon sa insidente, ipinasuri ng Kapuso Mo, Jessica Soho ang nabiling Aloe Vera Gel ni Daniel sa Divisoria at nalaman na ang kanyang nabili hindi magkaparehas ang content sa mga nabibiling original na Aloe Vera. Naglalaman ito ng maraming klase ng bacteria dahil na rin sa hindi safe na paggawa o kulang sa sanitation habang ito ay pinoproseso. 





Ipinatingin si Daniel sa isang doctor at iniexplain ng physician na walang kinalaman ang Aloe Vera Gel na kanyang ginamit sa pagkakaroon ng sugat sa mukha dahil ang dahilan nito ay ang pagkakaroon ng kondisyon na 'Shingles o Herpes Zoster Virus'. Ito ay karaniwang kondisyon kung saan nagkaroon na siya ng viral infection dati at natrigger ulit ang virus sa kanyang sistema kaya ito nagkaroon ng pagbabalat at pagsusugat-sugat na mukha.




Ipinatingin din si Daniel sa Dermatologist at isang naging payo ng Doctor ay dapat tayong umiwas sa ganitong mga pekeng products na ginagamit sa balat lalo na kung ito ay mura at hindi tayo sigurado kung ito ay orihinal. Maaaring nakapagpa-lala ito ng irritation sa mukha ni Daniel kaya umabot sa hindi kaaya ayang pagbabalat at pagsusugat ng kanyang balat dahil na rin sa maduming pagpo-proseso ng sinabing moisturizer. 

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera