Vice Ganda, Ibinunyag na Sumali Siya sa Isang Contest ng Eat Bulaga na Hindi Alam ng Karamihan!




Ang kapamilya komedyan at tvhost na si Vice Ganda ay isa sa mga sikat na artista ngayon sa larangan ng industriya sa Pilipinas. Ang kaniyang presensya sa entablado, matatalinong banat at ang kaniyang malakas na personalidad ay nakatulong sa kaniya upang magiwan siya ng sariling marka sa industriya.

Ang actor na ito ay mayroong nakakabilib na pinagdaanan gaya ng lamang ng mga hindi na mabilang na pelikula, konsyerto at pati narin mga tv shows na talagang nagging bida siya sa mga nagdaang taon. Pero ang pinakanagmarka sa komedyan na ito ay ang kaniyang pagiging down to earth sa simula’t sapul pa lamang ng kaniyang karera.




Si Vice Ganda ay laging nagpapakita ng kaniyang pasasalamat sa kaniyang mga tagapagsubaybay at hindi kailanman nakalimot sa mga ito kapag mayroong pagkakataon. Isa siya sa mga masasabi nating tao sa industriya ng showbiz na hindi nakakalimot balikan ang kaniyang nakaraan lalo na noong siya ay nagsisimula pa lamang.



Noong Hulyo 12, sa isang episode sa kaniyang matagal na noon time show na Showtime, inalala niya ang kaniyang mga unang panahon bilang isang artista. Tinanong niya ang isa sa mga tawag ng tanghalan na kontestant kulang alam nito kung sino si Ingrid Montecarlo ang Regine Velasquez ng Sta. Cruz, at kaniyang ibinulgar sa kaniyang ka co-host na si Anne Curtis na siya ito at ito ang kaniyang naging bansag sa Eat Bulaga’s contest na O’ Diva.

Kilala ang Eat Bulaga bilang isang kakumpetensya ng network sa pagkakataon ng pagpapalabas ng noontime show. At isa na ang O’Diva sa singing contest na ipinalalabas ditto noon. Nagulat naman ang kaniyang mga fans at naaliw dahil sa trivia na ito. 

Comments

Popular posts from this blog

Ukay-ukay Seller, May Nakakapangilabot Na Karanasan Sa Kanyang Binebentang Pulang Polo Shirt

Magsasaka Na Nakatanggap Ng Money Bouquet, Ginamit Ang Pera Pambili Ng Traktora

Magkapatid, Iniwan at Di Na Binalikan Ng Kanilang Ina Na Ang Sabi Ay Bibili Lang Ng Payong

Nanay Hirap Na Hirap Kandungin Ang Kanyang Anak Na Nakatulog, At Ang Masama Ay Wala Man Lang Nag-alok Sa Kanya Ng Upuan

Ginawa Ng Estudyanteng Ito Ang Improvised Ballpen Na Gawa Sa Kahoy Dahil Pursigido Siyang Makapag-aral Kahit Wala Siyang Gamit