Video ni JC De Vera kasama ang Kaniyang Anak, Sobrang Nag-Viral dahil sa Napansin ng Mga Netizens na Dito!




Pagkatapos ng kaniyang maiksing dalawang buwang rebelasyon, isa na ngayong parte ng mga Instagram dad si JC De Vera. Sa mga nakaraang araw at buwan, napuno ang social media ni JC ng larawan ng kaniyang anak na si Baby Lana Athena. Ang unang larawan na kasama niya si Baby Lana ay isang larawan ng family picture nila at mga random na iba pang personal na litrato. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ibinahagi ng aktor ang larawan ng kaniyang partner at ng kanilang anak. Naging sunod sunod na ang pagbabahagi ni Jc ng larawan ng kaniyang anak na kinalaunan ay tinawag niyang Baby Lana Bungisngis.

Ngayong buwan na ito, ginanap ni Jc De Vera at ng kaniyang partner na si Rikkah Alyssa Cruz ang binyag ng kanilang anak. Ang mga ko aktor ni Jc sa kaniyang show na “Banana Sundae” and “Since I Found You” ay naglaon ng kanilang mga busy schedule para dumalo sa event na ito. Tulad na lamang ng mga artistang sina John Prats, Pooh, Nadia Montengro, Empoy at Alessandra De Rossi ay dumalo sa binyag.




Inamin ni JC na ang pagiging ama ay talagang nagpabago ng kaniyang buhay. Kwento pa niya na mula noong ipinanganak si Lana ang mga priorities niya ay nagbago at talagang naging responsable na siya. Lagi niyang sinisigurado na may oras siya para sa kaniyang pamilya kahit gaano pa man siya ka busy sa kaniyang trabaho. “Hindi lang puro trabaho ang ginagawa ko. I now have my small family na kailangan kong buhayin. So ngayon mas naging dedicated talaga ako. Mas naging more energetic din dahil sa daughter ko.”

Nagpost si JC De Vera ng video nila na buhat niya ang kaniyang anak na si Lana. Sa video ay makikitang tumatawa si JC na ginagaya naman ng kaniyang anak. At talagang ang video na ito ay ang pinakacute na video na maaring Makita natin sa social media. 

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera