Viral: Isang Grab Passenger ang Nagselfie at Nagulat sa Nakita Nito sa loob ng Sasakyan!








Naniniwala ba kayo sa mga multo at espirito? Hindi man lahat ng tao ay naniniwala ditto, marami ang mga nagsasabi din naman na nakakaramdam sila ng mga presensya ng mga ibang mga paranormal. Ngunit, iilan lamang ang mga nakukuhanan ng mga videos o larawan na makakapagpatunay sa mga multo at espirito.

Ngunit habang ang teknolohiya ay nagiimproba sa paglipas ng panahon, marami rami narin ang mga larawan at videos ang mga nakakalat ngayon sa internet particular na sa social media. Isang lalaki ang nagngangalang Sam Andrew Lee ang walang ideya na siya ay makakaranas ng paranormal na aktibidad. Habang siya ay patungo sa isang pupuntahan niya gamit ang grab isang gabi, napansin ni Lee na may isa pang lalaki ang nasa loob ng sasakyan. Nairita siya kaya naman sinabi niya sa kaniyang drayber na hindi GrabShare (pooling) ang kaniyang pinindot sa Grab para magkaroon pa ng ibang pasahero sa loob nito. Ngunit sa gulat ng drayber, sinabi nitong wala naming ibang pasahero ang nasa loob ng sasakyan.





Kinalaunan ay naramdaman ni Lee na iba ang kaniyang pakiramdam. Na parang siya lang ang nakakakita sa isang pasahero. Lalo siyang nagulat ng Makita na nawala ang lalaki nang umabot na sila sa Litex sa Commonwealth Avenue at biglang lumitaw nanaman pagkadating nila ng Sandigan. Para patunayan sa kaniyang drayber na mayroon talagang tao o bagay sa loob ng sasakyan, siya mismo ay nagselfie. At makikita talaga ang larawan na may isa pang tao sa loob ng sasakyan. Dali dali niya itong ipinakita sa drayber at ito ay nagulat din.




Pagkadating nila sa kanilang destinasyon, dali daling bumaba si Lee sa sasakyan at sinabing hindi na niya masasamahan ang drayber sa byahe dahil ayaw na niyang Makita ang tao sa loob ng sasakyan. Banggit pa ni Lee: “Sorry kuya pero wala ayoko po kayo samahan sa byaheng may iba pa tayong kasama na mas malakas pa sakin.”

Maraming mga netizens ang nagulat at natakot sa kwento ni Lee, ngunit may mga ilang netizens ang nagbahagi din ng kanilang komento sa social media. Ang post na ito ni Lee ay nagkaroon ng 17,200 shares, 8,800 reactions.


Comments

Popular posts from this blog

Pinay OFW Sa Hong Kong Ibinahagi Ang Kanyang "Ipon Challenge" Na Ginawa Lamang In 6 Months

Pinay na Dating Taga-Squatter, Presidente na Ngayon sa Isang University sa Amerika!

Bahay Kubo Sa Labas Pero Mamangha Kayo Sa Modernong Disenyo Nito Sa Loob

Jackpot Ang Lalaking Ito Matapos Makatagpo Ng Wallet Na May Lamang Pera Sa Damit Na Nabili Sa Ukay-Ukay

Isang Basurero Nakapulot Ng Kalahating Milyon Sa Basura Isinauli Sa May-ari At Nakatanggap Ng Pabuya