Viral ngayon ang mga Estudyante at Teacher na Dedicated sa Pag-aaral Kahit Binabaha na ang Kanilang Eskwelahan!





Dahil panahon na ng tag ulan, minsan kinakansela na lamang ang mga klase dahil sa mga bahang nararansan sa iba’t ibang lugar. Aminin man o hindi ang ibang estudyante ay nagsasaya naman dahil na rin makakapagpahinga sila mula sa mga stress na nadudulot ng eskwelahan. 


Pero sa artikulong ito, narito ang mga taong maaaring magbigay sa iyo ng inspirasyong pumasok kahit na maulan at baha pa para mabigyang importansya ang naibibigay ng edukasyon para sa nakararami. 


Isa na namang post ang nakapukaw ng atensyon ng mga netizens. Ito ay ibinahagi ni Aurelia De Guzman kasama ang kanyang mga estudyante.






Sa litrato, makikitang kahit baha na sa loob mismo ng kanilang silid-aralan at abot paa na ang baha, patuloy pa ring nagtuturo at nag-aaral ang mga estudyante. Makikita ring kahit ganoon ang sitwasyon, aktibo pa rin ang mga estudyante sa pakikinig sa kanilang guro.


Maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang paghanga sa dedication ng guro pati na rin sa mga estudyante sa gitna ng isang hindi magandang sitwasyon mas pinili pa rin nilang mag-aral. 




Isa ang netizen na si Virgilio Laggui na ito ay “passion” habang si ‘Rox Ladera’ naman ay nagkomento kung paano siya sumaludo sa dedikasyon ng guro.


Samantalang ang ibang netizen naman na nakakita dito ay nagbigay ng komento at nag-alala sa kalusugan at kaligtasan ng mga estudyante. 


Sabi ni ‘Liberty Marcelo Alcala’ na isang facebook user nab aka magkaroon ng leptospirosis ang guro o mga estudyante dahil sa tubig. Marami pang umaasa na mapansin ito ng local na gobyerno upang maparangalan ang mga teacher at estudyante sa kanilang effort na makapag-aral. Ang iba ay nagsuggest na bigyan sila ng bota sa paa para naman hindi nababasa ang kanilang paa sa kanilang klase.






Sa kabilang banda, may ilang netizens na nagkomento na hindi karapat-dapat na isakripisyo ang kaligtasan ng mga mag-aaral para sa sitwasyong iyon at hinangad ang kaligtasan ng guro at kanyang mga estudyante.


Ang post na iyon ay umani na ng higit isang libong beses na share. Maging inspirasyon nawa ito sa mga taong ayaw pumasok dahil lamang sa mahinang ulan.

Comments

Popular posts from this blog

Matapat Na Airport Security Guard Nagsauli Ng Nalaglag Na Perang Nagkakahalagang P500,000 Sa Isang OFW

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

6 Magandang Benepisyong Makukuha Sa Pagkain Ng Sayote

Batang Scientist Nadiskubre Ang Benepisyo Ng Aratiles Para Sa May Mga Dyabetis

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?