Andi Eigenmann, Ipinakilala na sa Publiko ang Kaniyang Bagong Boyfriend?




Hindi maipagkakaila na isa si Andi Eigenmann bilang isa sa mga kontrobersyal na artista sa industriya ng showbiz. Mula pa noong una siyang sumabak sa pagiging aktres, nakita natin kung paano niya pagdaanan ang mga intriga na binabato sa kaniya mapa industriya man o personal na mga isyu. Pinakasikat na kontrobersiya ay ang pagkakaroon niya ng anak ng biglaan at ngayon ito ay si Ellie.

Karagdagan pa ditto, hindi na sikreto ang pagkakaroon niya ng mga relasyon na  hindi nagtagumpay. Alam natin na noon ay napagkamalan na ang anak ni Andi na si Ellie ay mula sa aktor na si Albie Casino. Nguni tang kontrobersiya na ito noon ay mali at napatunayan na ang ama ng bata ay si Jake Ejercito.  Kahit pa noon ay nabunyag ang lahat ng mga katotohanan, hindi parin naging matagumpay ang pagsasamahan ni Andi at ni Jake. 



Mula noon ay umalis muna sa mundo ng showbiz si Andi at nagkaroon ng relasyon sa isang tao na nagngangalang Emilio Arambulo. Ngunit kagaya ng kaniyang mga nakaraang relasyon, hindi naging matagumpay nanaman ito kaya naman naging sila lang sa napaiksing pagkakataon. Ngunit kahit ganoon pa man nananatiling positibo si Andi sa lahat ng bagay at sa buhay.

Kamakailan, mayroon nanamang usapan na ang aktres ay lumalabas kasama ang isang surfer mula sa Siargao. Ayon sa mga reports, ang kanilang paglabas ay nabunyag mula sa isang larawan na kumalat sa publiko na ang pangalan din ng lalaki ay si Philmar Alipayo. 




Isang screenshot mula sa isang @chepoxz mula sa Instagram ang lumabas ngayon sa social media. Si Andi at ang lalaki ay magkayakap at may caption pa na Full of Happiness. Hanggang ngayon, wala paring official na anunsyo si Andi patungkol sa issue na ito. 

Comments

Popular posts from this blog

Nakakantig Puso Na Pag-uusap Ng Isang Ama At Anak Habang Nasa Jeep Nasaksihan Ng Isang Netizen

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan

Mabait Na Security Guard Tinulungan Ang Isang Bata Na Nakatulog Sa Kalsada

Lalamove Rider Na May Sira-Sirang Sapatos Binigyan Ng Sapatos Ng Kanyang Customer

Isang Matandang Lalaki na Naninirahan sa Isang Kahon, Umantig ang Kwento sa Mga Netizens