Ibinahagi ng Isang Netizen na Ito Kung Paano niya Nasolusyunan ang Kanyang Acne Breakout at Paano Kuminis ng Ganito ang Kanyang Mukha






Isang babae ang nagviral sa Social Media nang ito ay nagbigay ng kaalaman tungkol sa kanyang sitwasyon sa pagkakaroon ng acne sa mukha. Bago natin ituloy ang kanyang kwento, may kaunting kaalaman muna kaming ibabahagi sainyo tungkol sa Acne.


Ano nga ba ang acne?

Ang acne ay isang kalagayan ng balat na pagkakaroon ng maraming pimples o tigyawat. Pangunahin itong problema ng mga kabataan dahil sa kanilang hormones. 




Ang acne ay isang long-term skin illness. Nagkakaroon ng ganitong sitwasyon ang tao kapag ang hair follicles ng isang tao ay nagbara dahil sa maduming skin cells at oil na nanggagaling sa balat.

Ang acne ay naka-tegorya sa blackheads, whiteheads, pimples, at oily skin. May isang uri ng akne na bihira lamang at ang pagakakaroon nito ay may kondisyon na pag-lagnat at pigsa na bumabalot sa mukha na tinatawag sa pangalan na acne fulminans. Ang pagkakaroon ng ganitong uri ay nangangailangan ng agarang kagamutan.

Ang pagkakaroon ng acne ng isang tao ay hindi naman banta na nakapipinsala sa kalusugan ng katawan, subalit ito ay nakakababa ng self confidence sa isang tao.


Kamakailan, isang Filipina na kilala sa pangalang Christine Cortez ang nagbahagi ng kanyang struggles kung paano niya nalampasan ang pagkakaroon ng Acne sa mukha. Ayon kay Christine, Ipinost nito ang kanyang 'My Acne Journey' Facebook upang maibahagi sa iba kung paano niya ito nasolusyunan. 





Ipinost ni Christine ang kanyang mga Before and After pictures. Ayon sakanya, mayroon itong soft at flawless face dati subalit noong October 2017, nagsimula siyang magkaroon ng acne breakout. Nawala ang mga ito pagdating ng December at muling bumalik noong nakalipas na buwan at mas lalong lumala ang kanyang sitwasyon. 




Nagsimula siyang magtanong ng tips at advise sa kanyang mga kilala. Subalit mas pinili niyang magpakonsulta sa Doctor upang malaman ang kondisyon. Ayon sa kanyang doctor, mayroon itong 'Butterfly Acne' na ang siyang dahilan ay ang pagkakaroon ng Oily skin. 






Inalagaan ng mabuti ni Christine ang kanyang mukha kung saan dalawang beses siyag naghihilamos ng mukha araw araw at hindi bimpo o twalya ang gamit niya sa kanyang mukha, kundi facial tissue. 


Ayon pa sakanya, sinundan niya ng pag gamit ng isang sabon na nireseta ng kanyang dermatologist. Hindi pinabayaan ni Christine ang kanyang mukha at lagi niya sinisigurado na malinis ito at hindi oily upang mawala ang mga mikrobyo sa kanyang mukha.




Ngayon, ibinahagi ito ni Christine sa Social Media upang maging aware ang mga kabataan lalo na ang mga babae na alagaan ang kanilang mukha.

Comments

  1. Eh!! Yng pag ooilly ng face nawawala din ba yn!!

    ReplyDelete
  2. Anung gamot po gamit nyo po para sa pimple

    ReplyDelete

Post a comment

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Netizens Naawa At Tinulungan Ang Isang Vendor Na Na-impound Ang Motor Na Ginagamit Niyang Panghanap-buhay