Isang Lalaki ang Hinuli ng Isang Enforcer sa Gitna ng Kalsada Ngunit ang Sumunod na Nangyari ay Nag-Viral






Ngayon, marami sa atin ang nakakaranas ng napakatinding traffic. Ang mga walang katapusang roadworks at mga hindi disiplinadong mga drivers ang punot dulo ng mga dilemma na gaya nito. Bilang solusyon, minsan tayo ay naghahanap ng mga alternatibong daan o kaya naman ay tayo mismo ay nag aadjust ng ating mga oras para matugunan natin ang ating mga call time sa trabaho o eskwelahan. Kaya naman kung may mga hindi inaasahang trapiko ang mararanasan natin sa ating mga pinupuntahan, talaga namang nakasimangot na tayo at walang magagawa kung hindi tanggapin na lamang ang kapalaran. Ngunit, ang kamakailan na nagsanhi ng trapiko ay talaga namang nagpakilig sa mga netizens matapos mag propose ang isang lalaki sa kaniyang nobyang babae sa gitna ng isang interseksyon.

Ang lalaki ay kinilalang si Mikki. Napagdesisyunan niyang gawin ang kaniyang secret proposal sa isang intereseksyon sa Calamba, Laguna . Ang pinsan ni Mikki na si John Khyan Villanueva ang nagrecord at nagupload ng viral video na ito sa facebook. Sa video, makikitang si Mikki kasama ng kaniyang girlfriend na si Cheann, ay hinarang ng mga traffic enforcers. Maraming mga sasakyan din ang makikita sa paligid dahil sila din mismo ay curious sa kung anong nangyayari at ano ang sanhi ng trapiko.






Pagkatapos ng ilang Segundo, maraming motor ang makikita na pinapalibutan ang magkasintahan na sanhi ng pagkakagulat ng babae. Pagkatapos ay lumuhod si Mikki at tinanong ang pinakahihintay na katanungan. Habang may mga luha pa ang kaniyang mga mata, tinanggap ni Cheann ang kakaibang proposal ng kaniyang nobyo. Maraming tao ang natuwaa at pumalakpak sa pagsagot ng babae.




Kahit pa man tayo ay nasstress sa mga karanasan natin sa trapiko sa ating bansa, ang mga katulad nitong senaryo na ito ang nakakapagpagaan sa ating mga mood panandalian. Walang pagdadalawang isip na ang ginawa ni Mikki ay nagpataas lamang ng standard o kakaibang paraan ng pag propropose sa ating bansa. Maaring mapanuod ang buong video rito: https://www.facebook.com/sikatnasipedro.uae/videos/742241349249895/


Comments

Popular posts from this blog

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!