Judy Ann Santos, Ibinahagi Kung Ano ang Kalagayan Ngayon ni Ryan Agoncillo Matapos ang Aksidente sa Kanyang Paggamit ng Motor!




Kamakailan ay nag celebrate ng 40th anniversary ang noontime show na Eat Bulaga. Kabilang sa mga host rito si Ryan Agoncillo. Ngunit bago pa ang pag celebrate ng anibersaryo ng noontime show ay nag leave na si Ryan at kapansin-pansin ang pagkawala nito. Ano nga ba ang lagay ni Ryan kung bakit siya nagleave sa Eat Bulaga.

Ang pagkawala nito sa noontime show na Eat Bulaga ay napansin ng mga manunuod at ng mga fans na nagtataka kung bakit siya nawala sa Eat Bulaga.

Kamakailan lamang ay ibinahagi ng kaniyang asawa na si Judy Ann Santos sa isang interview kung ano ang totoong dahilan kung bakit nawala o nagleave si Ryan sa noontime show. Sinabi niya kung ano ang kalagayan ni Ryan ngayon.


Noong nakaraan na taon ay nagkaroon ng aksidenteng kinasakangkutan si Ryan sa kaniyang motorcycle training na naging dahilan ng grabeng pagka-injured sa kaniyang tuhod. Dumaan siya sa surgery at therapy session pagkatapos ng pangyayari.

Ayon kay Juday, Kailangan ni Ryan na mag-focus at mag bigay ng tamang attention sa therapy niya dahil mabagal ang paggaling ng kaniyang injury. Nagkataon rin na yung oras na ibinigay ng kaniyang doctor ay yun rin ang oras ng kaniyang trabaho sa Eat Bulaga.




Ayon na rin kay Juday, Ginugugol ni Ryan ang kaniyang dalawang oras sa kaniyang trabaho at ang sumunod pang dalawang oras ay sa kaniyang therapy. Ngunit ngayon ay kinakailangan na ni Ryan na ibigay ang kaniyang buong attention at oras para sa kaniyang lubos na paggaling dahil nakita nang surgeon na gumawa ng kaniyang operasyon sa tuhod na napakabagal ng paggaling ng kaniyang tuhod. Nagpapasalamat at natutuwa naman si Juday at kanyang pamilya sa mga sumusuporta sa kaniyang asawa. Sa mga taong walang sawang nagbibigay ng suporta at concern. Lalo na sa Eat Bulaga Family. Ayon na rin kay Juday ay nakakataba ng puso.





Hindi pa lubos na malaman kung kailan makakabalik si Ryan sa noontime show. Sabi nga ni Juday, ang maganda sa Eat Bulaga ay hindi nila pinipressure si Ryan na bumalik kaagad dahil hangad nila ang lubusang paggaling nito. Delikado rin ito para kay Ryan dahil sa maling pagkatapilok o hindi sinasadyang pangyayari ay maaring ikalala ng kondisyon ng kaniyang tuhod na mas lalong bumagal sa paggaling at ika nga ni Juday “Its better to be safe than sorry”.

Ihinihayag rin ni Juday na sinasabi niya kay Ryan na napakasuwerte niya na naging bahagi siya ng Eat Bulaga. At sinabi rin niya na ang Eat Bulaga ay isang tunay na pamilya.

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera