LJ Reyes at Paolo Contis, Inanunsyo na ang Pagkakaroon ng Anak na Ikinagulat ng Marami!




Pagkatapos ng mga kasal sa halos mga couple na nagsasabi, ang kanilang pinakaaabangan talaga ay ang pagkakaroon ng anak. Para sa kanila, ito ay isang maliit na kasiyahan na kukumpleto sa pangmatagalan nilang pangarap sa buhay bilang isang pamilya. Kahit pa man celebrity o hindi, lahat tayo ay natutuwa kapag tayo ay nakakakita ng mga bata na tumatakbo sa loob ng ating bahay. Ang kanilang pagkainosente at mga galaw ay ang nagpapasaya sa atin at nagpapaliwanag ng ating mga araw.

Kamakailan, inanunsyo ni LJ Reyes at ng kaniyang nobyo na si Paolo Contis na sila ay magkakaroon at inaabangan na ang unang anak nila. Ang mga tagasuporta nila ay natuwa din sa balitang ito. Ito ang pangalawang pagbubuntis ni LJ matapos ang kaniyang ngayon ay pitong taong gulang na anak na si Aki mula sa kaniyang unang nobyo na si Paulo Avelino.





Ang “Starstruck” alumni ay nag anunsyo sa kaniyang Instagram pagkatapos niyang magbahagi ng isang youtube video na pinamagatang “A pleasant surprise” noong nakaraang Agosto 27. Sa limang minutong video na kaniyang ibinahagi, sinurpresa ni LJ mismo ang kaniyang anak sa balitang ito. Makikitang si Aki ay talagang natutuwa sa balita at nagpakita ng kaniyang pagkasabik sa pagkakaroon ng kapatid. Pinakita ni LJ ang mga sonogram photos sa kaniyang anak habang sinasabing: “May baby brother ka na or baby sister.”

Ang kaniyang nobyo na si Paolo din ay nagbahagi sa Instagram ng larawan na talagang kumukumpirmi sa pagbubuntis ng aktres. Sa caption na ito ay nagbahagi din siya ng kaniyang mensahe para sa kaniyang nobyo. Pinasalamatan ng aktor ang kaniyang nobya na si LJ sa pananatili sa tabi nito matapos ang lahat ng pagsubok na kanilang hinarap sa buhay. Nagpasalamat din siya sa kaniyang mga kaibigan at kapamilya na galak din para sa balita na may bagong miyembro na ng kanilang pamilya. Gaya ng aktres, mayroon ding dalawang anak si Paolo mula sa kaniyang ex-wife na si Lian Paz.






Kahit pa man sila ay may mga anak sa kanilang mga dating relasyon, ang dalawang mag nobyo na ito ay naging klaro na sila ay may mga maayos na pakikipagugnayan at relasyon sa kanilang mga anak at sa dati nilang mga nobyo at nobya. Inaabangan ang panganganak ni LJ na mangyayari sa Enero ng 2019 na nagmamarka ng kaniyang ika-4 na buwan ngayon.


Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Netizens Naawa At Tinulungan Ang Isang Vendor Na Na-impound Ang Motor Na Ginagamit Niyang Panghanap-buhay