Manila Bay, Ibinalik ang Lahat ng Basurang Itinapon ng Tao at Ikinalat ito sa Buong Roxas Boulevard!




Halos lahat tayo ay aware sa paglala ng ating kalikasan. Dahil dito, marami ng mga galaw ang gobyerno at mga ibang local groups na tinutulungan tayo upang buuin muli an gating kalikasakan. Gaya na lamang ng mga pagmimina, deforestation, at maling pagtapon ng mga basura kung saan saan ay iilan lang sa mga sanhi kung bakit patuloy na nasisira an gating kalikasan paunti. 

Sa kapalit nito, ang Mother Earth na mismo minsan ang nagpaparamdam sa atin na tayo ay sumosobra na kagaya na lamang ng nangyari sa Manila Bay noong nakaraang Sabado ng umaga. Madaming mga larawan at videos ang kumalat sa social media sa nangyari noong sabado na maaring magbukas sa ating mga mata sa mga seryosong problema na gaya na lamang nito. 




Isang facebook user ang nagngangalang Tim De Asis ang nagupload ng kaniyang video ng mga basura na naanod mula sa Bay at napunta sa kalsada ng Roxas na nagsanhi ng trapiko at kawalan ng komportable para sa mga commuters. May isa ding citizen na nagngangalang Marichu Villanueva ang nagpost ng larawan ng Manila Bay na para bang ito ay nagbalik ng mga basura na itinapon ng mga tao sa kaniya.





May mga iba ding parte ng Kamaynilaan ang binaha gaya na lamang ng Makati, Malabon, Quezon at Caloocan na napabalitang hanggang tuhod ang baha dahil sa mga malakas na ulan at baradong kanals. May mga pagaaral na pagdating ng 2050 ay mas maraming mga plastic pa ang mapupunta sa dagat kaysa sa mga isda. Ito ay maaring maging totoo kung hindi natin sisimulan ngayon sagipin ang ating kalikasan. 

Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!