Naalala niyo pa ba ang Uniwide Mall? Ito pala ang Tunay na Nangyari sa Shopping Mall na ito!






Naaalala niyo ba ang madalas na puntahan na Mall noon ay ang Uniwide Sales? Kung naabutan niyo ang shopping mall na ito ay isa kang batang 90's ika nga ng iba. 


Ang Uniwide Sales ay pag mamay-ari ni Jimmy Gow noong 1975. Nakilala ito bilang Uniwide Sales Textile Bargaining House Center sa Rizal Avenue, Manila na kung saan nagsimula itong magbenta ng iba't ibang tela sa may murang halaga. 



Noon, may sampung warehouse club ito at sa Las Piñas ang main office nila. Dahil sa Uniwide, nagkaroon ng trabaho ang mahigit 3,000 na empleyado at 15, 000 sa suppliers at concessionaries. 



Nagsimula itong lumago noong 1980's hanggang sa naging isang department store at supermarket na tumambal sa ibang retail chains tulad ng Ever Gotesco, Plaza Fair at Isetann.




Noong napansin na unti unting lumalago ang Uniwide, balak ni Jimmy Gow na gawin itong isang mall tulad ng mga bigating malls noon na SM Supermall, Robinsons Mall at Ayala Mall. Subalit sa ganitong pagkakataon, dito na nagsimulang magkaroon ng problema ang business na ito.




Ilan sa mga branches ng Uniwide ay ang sa Cubao, Quenzon City na nasunong noong 1996, Tarlac City, Malolos Bulacan, Novaliches, Las Piñas at ang hindi natapos na proposed building ay ang sa Mandaue City, Cebu. 






Itinayo ang Uniwide Coastal Mall noong taong 1990 at naging isa itong pinakamalaking shopping mall sa bansa kung saan may murang halaga ng bargain na kagamitan. Subalit sa paglipas ng panahon, nagsimula ang problema ng kumpanya nang humagupit ang 1997 financial crisis sa buong Asya. 




Humingi ng tulong si Gow sa Securities and Exchange Commission (SEC) upang makabawi ang kumpanya sa pagkalugi nito. Ang liabilities ng Uniwide Sales ay umabot sa P12.292 Billion ayon sa SEC at ang kanilang total assets ay nasa P2.726 Billion lamang.




Sa haba ng proseso ng problema ng kumpanya sa pagkalugi, naging isa pa rin itong pinakamalaking single retail group sa bansa at umabot ang kanilang annual cash flow ng mahigit P20 Billion noong 1997. Ngayon, patuloy na nagkaroon ng problema ang kumpanya at sumailalim ito sa pag dissiolve at ipina-liquidate ng SEC ang mga assets nito. 






Naging mahirap ang pinagdaanan ng kumpanya hanggang sa tuluyan itong nabaon sa utang at unti-unting nawala ang mga ari-arian nito. 




Tuluyan na lamang nagsara ang ilang mga branches ng Uniwide sa iba't ibang lugar at ang ibang gusali nito ay nabili ng iba't ibang businessman. 

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera