WATCH: Saddest Surprise Ever! Viral ang Video na Ito Matapos Surpresahin ng Lalaki ang Kaniyang Nobya na Talagang Ikinalumo Niya!




Maraming paraan upang mapakita mo sa isang tao kung gaano mo sila kamahal. Maaring mapakita mo ito sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga regalo, paglalabas sa kanila o ang simpleng pagpapakita lang na andiyan ka para sa kanila palagi. At ang mga ganitong pangyayari sa buhay ng dalawang magkasintahan ay talaga namang kanila pang nililitratuhan o kaya naman vinivideohan para sa kanilang mga alaala na pwede nilang balikbalikan.

Isa sa mga pinakapopular na pagpapakita natin ng ating pagmamahal lalo na sa lalaki ay sa pamamagitan ng mga proposals. Maraming mga tao ang gumagawa ng mga proposals sa tuwing sila ay may itatanong sa kanilang mga partner, yayain ito lumabas o ang pinakasikat na kung itatanong kung handa na ba itong maikasal sa kanila. Maaring makita natin na isa itong napakadaling gawain lamang ngunit kinakailangan ang ganitong mga pangyayari ng matinding kumpyansa at lakas ng loob para magawa ang isang napakaswabeng proposal.





Madami ang mga effort na kailangan sa tuwing gagawa ng isang proposal. Maaring ito ay napakabongga o kaya naman napakasimple. Maaring itanong natin sa ating mga sarili kung gaano natin ito kagustong kaeksayting, o kailangan bang ito ay nakakaiyak. Kailangan bai tong gawin sa harap ng madaming tao o ng kayong dalawa lamang. Maaring maraming tanong ngunit ang isang proposal ay kinakailangan ng matinding pagplaplano.

Ngunit hindi lahat ng mga proposals ay masaya. May mga iba ay naplano at nagawa ng maayos ang iba naman ay hindi. Ang isang proposal ay isang malaking risk para gawin. Maaring hindi ka sigurado sa kung anong kalalabasan nito kapag ito ay iyong ginawa. Sa kabilang banda, hindi rin lahat ng mga proposals ay patungkol lamang sa pagpapakita ng pagmamahal. Isang recently viral video ang ginawa na kung saan ang proposal na naganap ay patungkol sa pagwawasak ng damdamin ng iyong kasintahan. Ito ang nangyari sa isang babae na talagang nagulat at pati narin ang mga tao sa paligid nito. 





Isang lalaki ang nagplano upang supresahin ang kaniyang nobya ng proposal. Nagplano lamang siya ng proposal upang makipaghiwalay sa kaniyang girlfriend. Inihanda mismo ng lalaki ang lahat mula sa venue, placards na ginamit, audience, video camera at pati narin humingi ng tulong sa isang tao na videohan ang gagawin niyang proposal ng pakikipaghiwalay sa kaniyang nobya.

Makikita sa video na ang lalaki  ay tinatakpan ang mata ng babae habang papasok sila sa venue. Pagkatapos nilang makarating sa gitna ay binigyan ng lalaki ng pahintulot ang babae na buksan na ang kaniyang mga mata at sa gulat nito ay may nakasulat na sorry Break na Tayo. Maraming mga netizens ang nagbahagi ng kanilang reaksyon at galit patungkol sa video na ito. Maari ito man ay prank o hindi, pinaniniwalaan ng mga netizens na hindi dapat ito tamang gawin sa isang babae dahil sa ito ay paniguradong mapapahiya.

Panuorin ang video dito: https://web.facebook.com/kurt.nixon.35/videos/543237689429743/


Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera