7 Kagandahang Dulot ng Pagkain ng Kangkong Para sa Kalusugan







Ang kangkong ay isang karaniwang gulay na makikita sa hapag ng mga Pilipino. Ang dahon at maging ang mga tangkay nito ay maaaring kainin bilang salad o ipangsahog sa ilang putahe gaya ng sinigang. Ang kangkong ay gumagapang na halaman na karaniwang nakikitang tumutubo sa mga basang lugar at mga nakasalansan (stagnant) na tubigan gaya ng mga maliliit na lawa at putikan. Ang dahon ay hugis palaso, at may bulaklak din na maaaring kulay puti o kulay lila.

Ang iba’t ibang bahagi ng halaman ng kangkong ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:

  • Ang buong halaman ng kangkong ay maaaring makuhanan ng protein, taba, at vitamins C3 at B2. Mayroon din itong mineral na iron at calcium.






Ito ang mga benepisyo/karamdaman na na maaring magamot sa pagkain ng kangkong: 

1. Hirap sa pagdumi
Ang pagkain sa dahon at mga tangkay ng kangkong ay mabisang gamot para sa hirap sa pagdumi.

2. Di@betes
Ang kangkong na mayroong mala-lila na bulaklak ay pinaniniwalaang makatutulong sa paggamot ng di^betes. Kaya naman, pinipili ang dahon na nagmula dito at ipinapakain sa taong may sak!t.

3. Hindi makasuka
Ginagamit din ang katas ng dahon ng kangkong bilang pampasuka (emetic) sa mga taong hirap makasuka lalo na sa mga kaso ng pagkakalason.

4. Bulate sa tiyan
Maaariing ipainom sa taong may mga parasitiko sa sikmura ang pinatuyong katas ng kangkong. Ito ay mabisa para maalis ang nainirahang bulate sa tiyan.



5. Buni
Ginagamit ang dinikdik na dahon bilang pantapal sa mga buni sa balat. Ito raw ay makatutulong sa mas mabilis na paggaling.

6. Lagnat na may kasabay na pagdedeliryo
Pinangtatapal din ang dinikdik na dahon ng kangkong sa taong dumaranas ng mataas na lagnat at pagdedeliryo.

7. Hirap sa pag-ihi
May mabuting epekto din sa taong hirap sa pag-ihi ang pag-inom sa pinaglagaan ng dahon ng kangkong.



Comments

Popular posts from this blog

Matapat Na Airport Security Guard Nagsauli Ng Nalaglag Na Perang Nagkakahalagang P500,000 Sa Isang OFW

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

6 Magandang Benepisyong Makukuha Sa Pagkain Ng Sayote

Batang Scientist Nadiskubre Ang Benepisyo Ng Aratiles Para Sa May Mga Dyabetis

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?