Batang Pinoy na Tinagurian "Little Steph Curry ng Pinas", Nakaharap ang Kaniyang Idolo sa Pagbisita Nito sa Bansa







Ang sikat na NBA star na si Stephen Curry ay nagkaroon ng makabuluhang oras mula sa kaniyang tatlong araw na pagbisita dito sa ating bansa. Ang Golden State Warrior Point Guard na ito ay nagkaroon pa ng pagkakataon na magkaroon ng ekslusibong interview sa palabras na  “Kapuso Mo Jessica Soho,”, kung saan ay nakilala niya ang talentadong bata na tinaguriang Little Stephen Curry of the Philippines.” 

Sa huling episode ng “Kapuso Mo Jessica Soho”, ang 13-year-old na si Justine Remo ay hindi napigilan ang kaniyang emosyon ng makita ng malapitan at personal ang kaniyang iniidolo. Talaga namang dream come true ito para sa kaniya dahil nagkaroon din siya ng pagkakataon na makalaro ang isa sa tinaguriang worlds greatest player ng panahon. Habang si Curry naman ay walang ibang sinabi kung hindi puro papuri patungkol sa kakayahan ng bata: “You got game. You got skills. I appreciate you, man! Enjoy your new kicks. Okay?




Sa kaniyang one on one interview kasama ang host ng programa na si Jessica Soho, ang two timed MVP ng NBA ay talagang proud at eksayted siya sa kaniyang mga nakakamit ngayon. Ngunit, nandoon siya sap unto na ibibigay padin niya ang kaniyang lahat ng makakaya at alam niya na marami pa siyang dapat matutunan. Dagdag pa ni Curry sa interview, noong siya ay maliit pa lamang hindi niya alam kung ano ang gusto niyang gawin sa kaniyang buhay. Ayon sa kaniya, naranasan din niya ang mga ibat ibang laro noon at lahat ng laro na kaniyang natutunan ay nakatulong upang malaman niya ang kaniyang tunay na sarili.




Ayon pa kay Curry, siya ay katulad ni Justine. Noong siya ay nasa 13 years old din, pinili niya ang basketball bilang isang isports na kaniyang pagtututunan ng pansin, pagod at dedikasyon. Walang kaduda duda na ang naging interview at pagbisita ni Curry sa Pinas ay talaga namang napakamakulay. Pinakita dito kung paano din bilang tao ang isang legend ng tinaguriang isports na ito. Dagdag pa ni Curry sa huli ng kaniyang interview na isa sa malaking tulong ang kaniyang paniniwala sa pagiging isang player.



Comments

Popular posts from this blog

Nakakantig Puso Na Pag-uusap Ng Isang Ama At Anak Habang Nasa Jeep Nasaksihan Ng Isang Netizen

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan

Mabait Na Security Guard Tinulungan Ang Isang Bata Na Nakatulog Sa Kalsada

Lalamove Rider Na May Sira-Sirang Sapatos Binigyan Ng Sapatos Ng Kanyang Customer

Isang Matandang Lalaki na Naninirahan sa Isang Kahon, Umantig ang Kwento sa Mga Netizens