Epektibong Home Remedies Kung Ikaw ay may Yeast Infection





Ang yeast infection ay karaniwan sa mga babae ngunit kahit sino ay maaaring magkaroon nito mapababae man o lalaki. Maging ang mga bata man o matanda ay maaari rin magkaroon nito. Ang yeast ay isang klase ng fungus na natural na nakatira sa ari ng babae. Kapag sumobra ang dami ng yeast sa ari ng babae ay ito ang nagiging sanhi ng pagkakaroon ng implamasyon sa ari ng babae.

Ang mga sintomas na maaaring maranasan sa pagkaroon ng yeast infection ay ang pangangati ng ari at vulva, pananakit ng ari, may hapdi sa pag-ihi, pamamaga ng vulva at pamumula. 

Narito ang mga home remedies na maari mong gawin kung nagkaroon ka nito:



1. Greek Yogurt

Ang yogurt ay makatutulong sa pag-gamot sa pagkakaroon ng yeast infection dahil ito ay kinokonsidera na probiotic dahil ito ay naglalaman ng live bakterya na makatutulong sa paggawa ng maayos at malusog na kapaligiran sa iyong ari. At ayon sa mga researchers ,  ang probiotics ay makatutulong sa paglunas ng yeast infection.

2. Essential Oil of Oregano

Ayon sa mga pag-aaral ang wild oregano oil ay may kakayang mapigilan o mapabagal ang pagdami ng yeast o yeast infection sa ating ari. Makakatulong ito sa paggamot ng yeast infection. Mabibili ito sa mga grocery o ilang mga store hindi ito ang ordinaryong oil. Hanapin ang oil oregano na gawa sa wild oregano na naglalaman ng thymol at carvacrol at ito ay mayaman sa antifungal.





3. Coconut Oil

Ang coconut oil ay ang langis na nagmumula sa laman ng niyog. Ang oil ay maraming benepisyong maitutulong sa ating kalusugan at katawan. May taglay itong antifungal properties na makatutulong sa pag-gamot at panlaban sa yeast infection. Tiyakin na organic coconut oil ang iyong gagamitin na pang-gamot. Ipahid lamang ito sa apektadong parte ng iyong ari.

4. Apple Cider Vinegar

Isa popular na yeast infection remedy ang apple cider vinegar bath. Ito ay makatutulong sa pag-gamot o pagpuksa sa yeast infection dahil ang pagbabad ng iyong ari sa tubig na may apple cider vinegar ay makatutulong sa pag-tanggal ng mga microorganism na nagsasanhi ng yeast infection.

5. Vitamin C

Ang vitamin C ay nakatutulong sa pagapapalakas ng ating katawan. Ang paglakas ng ating immune system ay nakatutulong sa ating katawan para manumbalik ito sa tamang balance. Ang vitamin C ay tinatawag rin na ascorbic acid at naglalaman ito ng antimicrobial na makatutulong sa pagtigil at pagbagal ng dami ng yeast sa ating klatawan na nagsasanhi ng yeast infection. Maaring kumain ng mga pagkain na mayayaman sa Vitamin C o uminom ng tableta.

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!