Ito Pala ang Tamang Paghugas ng Prutas na Ating Nabibili sa Palengke Upang Matanggal ang Pesticide





Importante sa atin ang paghuhugas ng prutas at gulay na ating nabibili sa palengke upang matanggal lahat ng dumi o bakterya na maaaring kumapit dito bago ito kainin. Ngunit sapat nga ba ang paghuhugas na inyong ginagawa upang matanggal ang mga kemikal at bakterya nito? 


Sa panahon ngayon, halos lahat ng nabibili sa market ay punong-puno ng pesticide pati na ang mga sinasabing organic products. Ang paggamit ng pesticide ay nakakatulong upang hindi maapektuhan ng mga peste ang mga produkto kagaya ng lamok, daga, garapata at uod. Subalit kung ito ay ating makakain, magiging delikado ito para sa ating kalusugan.

Kaya naman ituturo namin sa inyo ang tamang paghugas ng inyong mga nabiling prutas at gulay ng sa ganun ay matanggal lahat ng kemikal na nakapalibot dito. 




Ano ang tamang paghugas ng gulay at prutas?


May dalawang paraan para hugasan ang mga prutas at gulay. Ang una ay ang salt water technique na kung saan ito ang pinaka madali at pinaka mura na paraan para matanggal ang mga pesticide sa mga pagkain. Sa paggamit nito bilang panghugas sa mga pagkain, maaring matanggal ang mga apat na klase ng pesticide. 


Habang ang isa naman ay ang Baking soda technique na pwede mo rin gawin upang matanggal ang pesticide maging sa ilalim ng prutas na iyong hinuhugasan. 




Paano ito gawin?


1. Salt Water Technique


Maghalo ng tubig na may sapat na dami ng asin sa isang lagayan. Ibabad ng 20 na minuto ang mga nabiling prutas at gulay. Maaari mo rin itong haluan ng vinegar upang mas matanggal ang mga kemikal nito. Subalit posibleng maglasa itong suka at magkaroon ng masangsang na amoy. Kaya kaunti lamang dapat ang pag lagay nito. 




Pagkatapos ibabad ay hugasan ito sa plain water at kuskusin ng mabuti upang matanggal ang mga naiwang kemikal at asin.



2. Baking Soda Technqiue


Maghalo ng isang ounce ng baking soda sa 100 ounces ng tubig. Ibabad ang prutas at gulay ng 12-15 na minuto upang matanggal ang lahat ng kemikal nito. 


Pagkatapos ay hugasan itong muli sa plain water upang matanggal ang mga naiwang baking soda sa prutas at gulay na hinugasan. 

Patuyuin ito at maaari mo ng kainin ito pagkatapos.


Ito Pala ang Tamang Paghugas ng Prutas at Gulay na Ating 

Nabibili sa Palengke Upang Matanggal ang Pesticide


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!