Mga Apat na Paraan Para Maibsan ang Pananakit ng Rayuma





Napakahirap nga naman talaga kung ang matatanda ay nakakaranas na ng rayuma o arthritis. Bukod sa hirap na sila maglakad ay madalas pa itong kumikirot at wala silang magawa kung hindi tiisin na lamang ito. 


Kaya naman sa aritkulong ito ibabahagi namin sa inyo kung paano maiibsan ang pananakit ng inyong mga rayuma gamit lamang ang mga natural na paraan:


1. Uminom ng Luya


Ang regular na paginom ng luya ay nakakatulong upang mabawasan ang pananakit ng ating mga rayuma lalo na sa ating mga binti. Isa pang gamit dito ay maaaring dumikdik ng kalahating luya at ipahid ito sa parte ng iyong katawan na madalas na kumikirot dahil ito ay nakakatulong upang mabawasan ang inflammation sa ating katawan. 




2. Malunggay


Ang katas ng malunggay ay mabisang pantanggal ng pananakit ng ating mga rayuma dahil ito ay siksik sa mga bitamina na siyang nakakatulong maibsan ang iba't ibang uri ng sakit. Uminom lamang ng pinaglagaan ng mga dahon ng malunggay tatlong beses sa isang linggo. 


3. Ehersisyo




Mabisang pantanggal ng rayuma ay ang madals na pangeehersisyo tuwing umaga. Kung kayo ay nasa edad 60 na, dapat ay ugaliin parin na maglalakad upang nababanat ang ating mga muscles at buto. Ang simpleng paglalakad lamang ng 15 na minuto kada araw ay malaking bagay na upang mawala ang mga rayuma.

4. Yerba Buena


Ang halamang yerba buena ay isang halamang gamot na kilala sa ating bansa. Ito ay mayroong minty flavor kung saan nagbibigay ito ng malamig na epekto sa ating katawan. Pwede mo itong ihalo sa inyong mga inumin at gawin na parang tsaa. Ito ay isa sa mabisang panlunas ng pananakit ng ating mga kasukasuan. 

Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!