Mga Pwedeng Mangyari sa Inyong Katawan Kung Kayo ay Hindi Kumakain ng Breakfast






Ang ibig sabihin ng breakfast ay literal na pag “break the fast” mula sa mga oras na tayo ay natutulog at ang pag-iwas ng pagkain nito ay may kaakibat na masamang reaksyon sa inyong katawan. Isa sa mga rason kung bakit nilalaktawan ng mga tao ang breakfast ay dahil hindi sila nagugutom sa umaga. Nirerekomenda ng mga eksperto na subukan ang pag intake ng mga shake o healthy smoothie sa umaga, o ang pagbabawas ng hapunan sa gabi, hindi pagkain ng mga snacks bago matulog at pagputol ng paginom ng alkohol upang sa umaga ay makakain kayong sapat na almusal. 

Para sa isang healthy breakfast, madalas ang mga tao ay pinagsasama ang good fats at protein kagaya ng itlog at avocado, na siyang nagpapabusog ng matagal at tumutulong pababain ang blood sugar sa katawan. Ayon sa mga eksperto, ang pagkain ng 300-500 calories para sa agahan ay ideal at dapat ay isang oras o dalawa pagkagising sa umaga.

Napag-alaman din na ang mga pagkain sa fastfood o restaurants ay naglalaman ng mataas na lebel ng calories at hydrogenated fats at mababa ang lebel ng protein, carbohydrates at fiber na hindi gaya ng kung sa anong nakakain sa bahay. 




Ang ilan sa mga pwedeng mangyari sa inyo katawan kung kayo ay naglaktaw ng breakfast ay ang mga sumusunod:


1. Pagbaba ng inyong blood sugar

Ayon sa mga eksperto, ang pagkain ng breakfast ay tumutulong mag balik ng glycogen at mag balik ng lebel ng insulin. Kung hindi niyo ibabalik ang mga nawalang glucose sa umaga, maaring makaramdam ng gutom, pagkairitable at madaling pagkapagod.

2. Pagbagal ng metabolismo sa katawan

May mga ebidensya na ang pagkain sa umaga ay nakakapagpataas ng metabolismo at tumutulong sa katawan na magsunog ng mga calories sa isang araw. Kung kayo ay nag fasting ng matagal, ang inyong katawan ay napupunta sa protection mode at nagsisimulang magtago ng mga calories. Dahil dito bumabagal ang metabolismo sa inyong katawan at maaaring magdulot ng sudden 'cravings' kung saan posibleng makapagpataba at makadagdag fats sa ating katawan.




3. Paglagay sa peligro ng inyong puso

Ang paglaktaw ng breakfast ay maaring magdagdag ng inyong timbang at maglagay ng posibilidad ng pagkakaroon ng sakit sa puso. Ayon sa mga pag aaral ang mga tao na naglalaktaw ng agahan ay maaring makaranas ng pagkakaroon ng atake sa puso, katabaan, high blood at mataas na lebel ng kolesterol at diabetes.

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera