Sabay Padin na Nagsusumikap na Nagtitinda ng Puto ang Isang Lola at Lolo na Ito na Kahit Sila ay Matanda na!






Ang sarap nga naman tumanda na kapiling mo ang iyong mahal sa buhay. Tulad nalang ng dalawang mag-asawa na ito na sa hirap at ginhawa ay hindi sila nagpapatinag sa ano mang dagok ng buhay. Kahit sila ay matanda ay patuloy parin silang magkasama kahit saan man magpunta. 

Ang kwento nina Lolo Carding at Lola Lilian ay na naibahagi ng GMA Kapuso Mo, Jessica Soho noong taong 2015. Naging viral ang kwento nina lolo at lola sa Social Media ng makita nila ang larawan ng dalawa na nagsusumikap na maglako ng puto sa Baclaran. 

Ayon sa kanilang love story, nagkakilala ang dalawa sa Taal, Batangas kung saan doon na nagsimula ang kanilang matamis na pag-iibigan. 

Nagkaroon ng apat na anak ang mag-asawa at dahil sa hirap ng buhay ay pinagtulungna nila na itaguyod ang kanilang buhay.



Naisipan ng dalawa na magtinda ng puto upang maitawid ang kanilang pang araw araw na gastusin. Madaling araw pa lamang ay abala na ang dalawa sa paggawa ng puto. Inihahanda ni Lola ang mga rekado at tumutulong naman si Lolo sa paghalo.


Pagkatapos maluto ng mga puto ay ilalagay nila ito sa kanilang kariton at siyang ilalako sa simbahan ng Baclaran.




Kahit na si Lolo Carding ay may Osteoporosis ay patuloy padin itong naghahanap buhay. Upang makalakad ng maayos ay ginagamit niya ang kariton bilang kanyang tungkod. Kadalasan na sumasakit ang kanyang mga buto subalit tinitiis ito ni Lola dahil ayaw niyang nasa bahay lamang siya at walang ginagawa. 

Mahigit tatlong taon na rin nila itong ginagawa kaya naman nakasanayan na rin nina Lola Lilian ang kanilang hanap buhay kahit na hirap na ang dalawa sa pagtinda.

Ang sarap nga naman na tumanda na kasama mo ang iyong mahal sa buhay. Ang kwento nila Lolo Carding at Lola Lilian ay magbigay sana sainyo ng inspirasyon na mas mahalin at bigyan ng oras ang iyong partner o asawa kahit gaano man kahirap ang buhay na iyong nararanasan. Huwag magpapatinag sa mga problema at sabay ninyo itong harapin.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!