Viral Video ng Isang Bata Habang Kausap ang Kaniyang Ama sa Ibang Bansa, Pinaiyak ang mga Netizens!






Ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ay tinuturing natin na modern day heroes. Ang mga masisipag at matyatyagang tao na ito ay talagang dumadaan sa labis na paghihirap. Isipin mo nalang ang pakiramdam ng isang tao na iiwan ang kaniyang mga mahal sa buhay sa pagasang ito ang magbibigay sakanila ng magandang buhay. Maaring bigyan sila nito ng mga material na bagay at maginhawang pamumuhay. Ngunit, hindi lang ito ganoon kadali dahil may mga kaakibat din itong mga pakiramdam ng kalungkutan.

Ang mga anak ng mga OFWs ay nakakaranas din ng mga paghihirap dahil sa paglaki nila na wala ang isa sa kanilang mga magulang. Kamakailan, isang facebook video ang nag viral matapos Makita ang isang batang lalaki na umiiyak habang kausap niya ang kaniyang tatay sa video chat. Makikita natin kung gaano kalungkot ang bata na wala ang kaniyang tatay at wala ni sino o ano ang makakapagpanatag ng kaniyang loob.






Ang taong kumukuha ng video ay nagpaliwanag at nagkwento na ang ama ng batang lalaki ay nasa ibang bansa upang magtrabaho. Inutusan niya na magsabi ng mensahe ang bata sa kaniyang ama ngunit wala itong ibang ginawa kung hindi ang umiyak. Ang batang lalaki ay walang masabing salita. Sa video na ito makikita lamang siyang malungkot at walang ibang ginawa kung hindi umiyak ng malakas.

Maaring sabihin natin na mahirap talaga ang lumaki ng wala ang mga magulang natin physically. Iisipin niyo nalang na ang tatay o nanay niyo ay nakikita niyo lamang sa screen ng mga cellphone o kompyuter. Ngunit, alam naman din natin na mahirap din ito para sa ating mga OFW. Walang sapat na rason para iwan tayo ng ating mga magulang kung hindi ang makapagbigay ng maginhawang buhay para sa atin. Kahit na pa man nakakalungkot ang mga ganitong sitwasyon, kailangan padin magpakatatag dahil alam naman natin na ito ang maaring maging kalabasan ng mga ganitong bagay.




Nawa ay sana lumaki ang bata sa viral video na ito na isang araw ay maiintindihan niya kung bakit ginawa ito ng kaniyang ama. Isa lang ang maari natin masabi sa ngayon, na ang ama na katulad ng nakita natin sa video na ito ay isa sa mga maaring tawagin nating modern day hero na meron an gating bansa.

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera