Hindi mo Aakalain na ang Gulay Vendor na Ito ay may Artistahin na Mukha na Talagang Pinaguusapan ng mga Netizens!

Kung dati rati ay si Carrot Man ang sumikat, ngayon naman ay may isang gulay vendor din ang nagpamangha naman sa kaniyang itsura sa mga sambayanang pilipino. Hindi lang siya mayroong magandang panlabas na kaanyuhan pero isa din siyang mapagmahal at masipag na nanay. Naging viral ngayon ang isang gulay vendor na nagngangalang Ellen Galupan, 25 years old at nanay ng tatlo. Ang pinay na ito ay masipag na gumagawa ng kaniyang trabaho para makapagtaguyod ng kaniyang pamilya. Isa lang naman si Ellen sa mga single moms na tumutugon sa pangangailangan ng kanilang mga anak. Ang kaniyang mga larawan ay nabahagi ngayon sa social media habang siya ay naglalako sa Tagum City para magbenta ng kaniyang paninda. Ang kaniyang mga paninda ay binubuhat niya sa kaniyang ulo habang umiikot sa buong syudad. Gumigising siya ng maaga para ilako ang mga gulay sa mga barabarangay. Walang katanungan na talaga naman na masasabi natin na si Ellen ay isang mabuting ina. Dahil