Ang Hairy! Isang Bata ang Nag-Viral Dahil sa Kanyang Napakalagong Buhok Kahit na Ito ay 7-Months Old pa Lamang!





Minsan kapag nakakakita tayo ng bago mula sa internet, naaliw tayo rito at kinakalat pa para mas marami pa ang makakita. Kung madalas kang gumamit ng Instagram, familiar ka o alam mo na siguro ang salitang #HairGoals na kung iisipin ay ito ang mga naggagandahang buhok ng mga babae o lalaking gusto mong gayahin. 

Pero nakita mo na ba ang bagong trending ngayon? Ang batang 7-month-old pa lamang pero may pambihirang buhok na nag-viral sa social media?



Siya ay si baby Chanco na isang cute na baby girl na kahit hindi pa mulat sa social media ay mayroon nang 70,000 instagram followers at dumadagdag pa ito ng halos 10,000 followers kada buwan ayon sa mga nakakakita nito, dahil lamang sa kanyang buhok. Mayroon na siyang full head hair pagkapanganak pa lamang sa kanya noong December 2017 sa Japan at patuloy pa ring pinapalago at inaalagaan ng kanyang magulang ang kanyang buhok. Siguro kung isa kang follower niya sa Instagram ay nakikita mo na ang mala-diary ng kanyang buhok sa kaniyang feed, kasama pa rito ang mga magaganda at cute na litrato ni Baby Chanco na may iba’t ibang palamuti tulad ng clips, ribbons at hairpins.

Ang kanyang mga followers sa iba’t ibang country ay hangang hanga hindi lang sa kanyang buhok dahil na rin sa kanyang pagiging cute. 

“She is so cute! Congratulations from Brazil”

“why can’t I have volume like that? What is your secret?” 



Karamihan ganyang ang komento sa kanyang mga litrato.

Kahit na nakakainggit ang ganitong buhok ni Baby Chanco, hindi pa rin sigurado kung ganito o mapapanatili pa rin ito hanggang sa kanyang pagtanda.

Ang malaking dahilan ng pagkakaroon ng ganoong buhok ay dahil sa hormones ng baby, minsan kaonti lang ang mga ito, pero minsan naman ay unti unting numinipis. Ang kanyang buhok ay maaaring hindi mawala pero pagdating siguro ng panahon ay maiiba iba ang texture at kulay nito.

Comments

Popular posts from this blog

Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera

Netizens Naawa At Tinulungan Ang Isang Vendor Na Na-impound Ang Motor Na Ginagamit Niyang Panghanap-buhay

Isang Basurero Nakapulot Ng Kalahating Milyon Sa Basura Isinauli Sa May-ari At Nakatanggap Ng Pabuya