Bagong Imbento sa Australia, May Malaking Solusyon Para Tanggalin ang mga Basura na Nakakapagdulot ng Baha!





Sawa ka na bang nakikitang madumi ang tubig sa iyong paligid na palagi nalang itong nakikitang may mga plastic na nakakapat@y sa mga lamang dagat o nakakapaminsala ng araw mo dahil nakikita mo itong madumi? Nitong summer lang,ilang otoridad mula Kwinana, Australia ang gumamit ng isang system na tinatawag na filtration sa Henley Reserve, isang garden na madalas pinupuntahan ng mga tao.

Maniwala ka man o hindi, simple lang ito pero nakakatulong naman dahil ayon sa mga taong nakapaligid lang dito tulad ng gobyerno at netizens nakita nila ang malaking benepisyo ng filtration system na ito.

Ito ay isang malaking net na nakakabit sa outlet ng drainage pipe na tumutulong para kuhanin o ipunin ang mga malalaking kalat at pinoprotektahan ang kapaligaran mula sa contamination na maaari ring magdulot pa ng sak!t sa mga tao sa paligid. 





Dahil sa pagtapon ng ating mga kalat kung saan saan, kung may malakas na ulan ay nadadala nito ang mga kalat natin sa mga drainage systems na siyang bumabara at nagdudulot ng pagbaha. Ang unang ginawa ng gobyerno sa Australia ay nagkabit ng dalawang malalaking nets at nasiyahan naman sila sa resulta dahil nakakuha sila ng higit 800 pounds na basura matapos ang ilang linggo. Ang ibig sabihin ay natulungan nitong bawasan ang kalat sa loob.

Ang mga drainage pipe na ito ang nagdi-drain sa mga tubig mula sa residential areas patungo sa natural areas at kung nakakita ka na nito siguradong mandididri ka sa mga ito at maiinis dahil nakakasira nga naman ang mga basura na ito sa kapaligiran.

Kapag puno na ang nets, kinukuha na ang mga ito at inilalagay sa mga truck na nangongolekta at ipinupunta sa trash-sorting center at hinihiwalay na ang mga ito ayon sa recyclable at non-recyclable material at nagpapatuloy pa sa ibang proseso.





Kaya matapos nakita ang resulta ay naglagay na rin sila sa buong syudad ng filtration system na hindi lang magpapasaya sa mga mata ng tao kundi pati na rin sa pagbabawas ng polusyon sa wild life. Kahit na mahal ang bayad sa mga net na umaanot ng $10,000 each, ayos lang dahil noon ay mas mahal pa ang kanilang binabayaran para sa mga nangongolekta ng mga kalat.

Sa kahit ano mang bagong innovation na tulad ng filtration system at iba pang environment friendly na kagamitan dapat tayong magpasalamat sa mga ito dahil minsan kahit simpleng bagay lang nating nakikita o laging binabalewala ay napakalaking tulong pala nito sa ating paligid.

Kaya sana kahit may ganito nang kagamitan, may respeto pa rin sana tayo sa paligid at wag lang tapon ng tapon ng basura kahit saan. Hindi mas mainam kung ipaabot natin ito sa mga awtoridad upang makatulong sa Pilipinas? Share your thoughts below!

Comments

  1. Magandang idea ito at pwedeng tularan ng mga LGU para tuluyan ng mabawasan at malinis ang water ways ng Metro Manual o mga tourist spots para mapanatili ang kalinisan ng ating kapaligiran. Sana mabigyan ng pansin ito para tularan. Irerekomenda ko ito sa aming LGU o subdivision para maka tulong sa kabawasan ng basura sa mga creek na naka paligid sa amin tulad ng mga creek galing Marikina at Antipolo.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!