Liza Soberano, Ipinakilala ang Kaniyang Napakagwapong Kapatid Na Lalaki na Talaga Namang Agaw Atensyon



Kung inaakala niyo na si Liza Soberano lamang ang tanging tao na swerte at biniyayaan sa kaniyang pamilya dahil sa angking ganda nito, kailangan ninyong magdalawang isip ngayon. Kaya naman para sa mga taong hindi pa nakakaalam, ang Kapamilya star na si Liza Soberano ay may isang kapatid na lalaki na talagang katumbas ang kaniyang kagandahan. Ito ay walang iba kung hindi ang kaniyang 17-year old na kapatid na si Justin David Soberano.

Kamakailan, si Liza ay nagbahagi ng larawan kasama ang kaniyang kapatid bilang bahagi ng tinatawag na Throwback Thursday challenge. Sa kaniyang Instagram snap, makikita na ang aktres at ang kaniyang kapatid na lalaki ay talagang nakakatuwang tignan kahit pa noong sila ay bata pa.



Bukod sa pagkakaroon ng inosenteng mukha, makikita sa kaniyang Instagram post na ang Kapamilya star ay talagang masiyahin kahit pa man ang kaniyang ngiti noong hindi kumpleto dahil sa kakulangan ng ngipin sa harap. 

Alam ng lahat na ang kapatid ni Liza na may itsura ay gumawa ng ingay sa social media noong bungad ng taon dahil sa pagbati ng aktres sa kaniyang kaarawan. Simula noon, lahat ng tao ay tutok a ng atensyon sa kaniyang nakababatang kapatid na masaya sa kaniyang buhay pribado.




Sa kaniyang Instagram, ibinahagi ni Liza ang mga larawan nilang dalawang magkasama at nagsulat ng maikling caption: “Happy birthday to my not so little brother. Love you more than anything.” Sa ngayon, si Liza ay aktibo sa mga pelikula at tutok sa kaniyang darating na palabas na bersyon ng ating pambansang superhero na si Darna na wala pang eksatong araw kung kalian maipapalabas sa publiko. 

Comments

Popular posts from this blog

7 Celebrities Who Were Romantically Linked to Vic Sotto Before He Married Pauleen Luna

Ibinahagi Nina Maine Mendoza at Arjo Atayde ang Pagdiriwang ng Kanilang First Anniversary Bilang Magkasintahan

Wala Talagang Iwanan! Si Bantay At Muning Kasama Sa Paglilipat Ng Bahay

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Maswerte ang Housemaid ni Pia Guanio Dahil Isinasama Ito sa Ibang Bansa at Ipinag-aral pa Ito ng Aktres ng Cooking Class