Isang Napakagandang Foreigner, Natameme Matapos Niyang Makita si Maymay Entrata ng Personal







Mukhang ang Kapamilya aktres na si Maymay Entrata ay nakakakuha ng kaniyang mga fans hindi lamang sa Pilipinas kung hindi pati na rin sa ibang parte ng mundo. Kamakailan isang video ang kumalat na di umanoy tuwang tuwa nang Makita si Maymay sa personal na talaga namang nag viral. Sa video na naibahagi ng fan page ni Maymay at ng kaniyang loveteam na si Edward, isang amerikana na blonde ang buhok na nakasuot ng kulay asul na kasuotan ay natuwa ng Makita sa personal ang Pinoy Big Brother winner. Di pa nagtapos ditto dahil panay ay pagpapakuha ng litrato ng foreigner kasama si Maymay.

Ngayon, ang video ay nagkaron na ng mahigit sa 50,000 views sa facebook. Nakakuha din ito ng 4,000 reactions at mahigit sa 500 na shares. Maraming mga netizens din ang nagbahagi ng kanilang opinion sa comment seksyon na talagang nagsasabi kung gaano sila kasaya sa narating ng aktres at kung gaano sila kaproud din ditto. Pinuri din nila si Edward dahil ito ay laging nasa tabi ng aktres mapasa anong sitwasyon man.





Si Maymay ay nagkaroon ng kaniyang international modelling debut nang siya ay sumali sa isang catwalk sa Arab Fashion Week noon Nobyembre 21 na ginawa sa Dubai Design District. Pinili ang 21-year old na model na ito upang irampa ang kasuotan na idinesenyo ng Furne One for Amato Couture. Si Maymay din ang kauna unahang Pilipino na naglakad sa Arab Fashion Week.

Nagpapasalamat naman ang aktres sa mga taong walang sawang sumusuporta sa kaniya at ang mga taong tumulong sa kaniya sa kaniyang pagsali sa kaunahang international modelling stint niya. “Siyempre hindi matutuloy yun kundi dahil kina Sir Josh [Yugen], at Miss Furne [One], at sa Amato Couture family. Talagang grabe, binigyan nila…mas naging makulay yung buhay ko. Yung side na modelling, ang hirap kasi-i-achieve yun,” sabi niya. 





“Hinding-hindi ako magsasawang sabihin na sobrang blessed ako at sobrang nagpapasalamat ako dahil talagang mainit yung suporta ng buong Pilipinas sa akin at saka sa lahat ng fans, sa lahat ng sumuporta sa akin. Kasi hindi lang naman kami nag-Arab Fashion Week dun, nag-ano din po kami, nag-concert din po kami sa Dubai. As in pinaka-malaking crowd na nakita po namin. alagang nakakaiyak, minsan naiisip ko, ‘Ba’t ba kami nandito? Deserve ba namin? Pero mas pinili na lang namin na magpasalamat lagi sa lahat ng sumuporta sa amin,” dagdag pa ng aktres.


Comments

Popular posts from this blog

Kilalang Personalidad Ka-una Unahang Bumisita sa Pinakamahal na Resort sa Palawan

Kinaaliwan Ang Post Ng Isang Lalaking Nasandalan Ng Isang Nakatulog Na Pasahero Sa Jeep

Isang Bata ang Sumakabilang Buhay Matapos Kumain ng Kangkong Dahil Mayroon Itong Linta

Dating Artista na si Sheryl Cruz, Masayang Kasama ang Kaniyang Rumored Boyfriend sa Iceland

Nagsusumikap ang Lolo na Magbenta ng Lugaw Para may Makain Subalit Madalas Wala raw Bumibili Sakaniya