Isang OFW sa Dubai ang Nakatanggap ng Best in Nanny Award at 1 Million na Halaga ng Pera








Ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ay kilala sa buong mundo bilang mga matyaga, masipag at mapagpursiging mga tao. Para sa kanilang mga mahal sa buhay, ginagawa nila ang lahat ng kanilang mga makakaya sa kanilang mga pinasukang trabaho para ang kanilang mga pamilya ay magkaroon ng magandang buhay. Isang OFW mula sa Dubai ang nakaranas ng malaking pagbabago sa kaniyang buhay at talagang pinatunayan na ang pagtyatyaga at pagtratrabaho ng mabuti at talagang may kahithitnatnan matapos siyang tanghalin bilang UAE Best Nanny Award 2018.

Si Rosie Villa ay nakatanggap ng Dh70,000 (PHP1 million) dahil sa kaniyang hindi pangmakasariling serbisyo na kaniyang ipinakita sa kaniyang mga amo. Siya ay 17 taon ng namamasukan bilang isang nanny. Ang mga organizers ng award na RISE ay ginulat si Rosie sa bahay ng kaniyang mga amo kung saan ay ibinunyag nila kay Rosie na ito ay nakakuha ng isang gantimpala. Hindi makapaniwala si Rosie noong una. 





Ayon kay Rosie: “It is amazing, all these things happen, it’s just like a miracle.” Ang 39 year old na OFW ay nagsabing ang kaniyang nakamit ay inaalay niya para sa kaniyang ama na nakakaranas ng masamang karamdaman. Si Rosie ay nagbibigay sa kaniyang ama ng mahigit sa kalahti ng kaniyang sweldo para matulungan ang pamilya nito sa kanilang mga gastusin. Mayroon din siyang anak na malapit nang tumungtong sa kolehiyo.





Bukod sa ginagawa niyang inspirasyon ang kaniyang pamilya, mayroon  din siyang magandang relasyon sa kaniyang mga amo na nagsisilbing motibasyon nito para gawin ng mabuti ang lahat ng inuutos sa kaniya. “I feel home here. I work not only because my employers pay me but I work passionately because I love them and I like serving them. I feel lucky to have a family away from home that loves me, cares for me and makes me feel at home.”

Ayon sa mga organizers, pinili si Rosie dahil ito ay masipag, maalaga, at mabuting tao kaya naman itinanghal siyang UAE Best Nanny ngayong taon na ito. Maraming mga netizens ang natuwa at ibinahagi ang pagpupugay nila para kay Rosie Villa na talaga namang deserve ang nakuhang award.


Comments

Popular posts from this blog

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera

Maine Mendoza, Pinasilip ang Kaniyang mga Assets at Totoong Net Worth

Sila ang Ilan sa mga Kilalang Artista Noon na Nahirapan sa Buhay Matapos Iwanan ang Kanilang Showbiz Career

Isang Kasambahay sa Singapore, Isang Beses Lang Pinapakain Sa Isang Araw ng Kaniyang Amo at Binubuhusan ng Tubig Kung Ito ay Hindi Agad Nagising ng 5 am!

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!