Marc Pingris at Danica Sotto nag Viral Matapos I-post sa Social Media ang Kanilang Nakaugaliang Tradisyon Tuwing Pasko







Ang pagbibigay ng pagmamahal at pamamahagi ng mga blessings sa buhay ay hindi maipagkakailang gawin tuwing sasapit ang Kapaskuhan. Ngayon taon, ang magasawang sina Marc Pingris at Danica Sotto kasama ng kanilang mga anak ay nagdesisyon na magbahagi ng Christmas Spirit para sa ibang tao.

Makikita sa Instagram post ng aktres na si Danica Sotto noong Disyember 30, ang kanilang pamilya at iba pang kasama sa bahay ay tulong tulong na nagbalot ng mga groceries. Ang mga tone-toneladang mga goods ay matatanggap ng swerteng tao bilang bahagi ng kanilang nakaugalian at tinatawag na annual gift giving “Carol Blessings”. Sa kaniyang caption ibinahagi ng aktres ang mga sumusunod: “Tapos na ang Pasko pero tuloy pa din ang aming CarolBlessing. We were not able to do this last year because Marc was recovering from his injury that’s why this year, we are very thankful to be here. Thank you Lord!“





Bukod sa pamilya at mga kasama nila sa bahay, tinulungan din sila ng kanilang mga kaanak upang paghiwa-hiwalayin ang mga pagkain at maging goody bags para sa ibang tao. Animo ito ay tila parang instant family bonding para sa pamilya dahil sila ay nagtitipon tipon sa kanilang bahay sa preparasyon ng gift giving.

Noong nakaraang taon, hindi sila nakapag gunita ng kanilang tradisyon dahil sa may nangyari sa kaniyang asawa at kailangan nitong magpagaling kaya naman ang aktres ay lubusan natuwa na ito ay muli nilang magagawa ngayong taon.  Sa isang short clip na kasama ng post, makikita kung gaano kaswerte ang mga nakatanggap ng regalo mula sa pamilya.  Isang matandang babae ang yumakap pa sa aktor upang magpasalamat. 






Dahil dito, maraming netizens ang natuwa sa pamilya. Isang patunay na swerte ang magasawa sa kanilang marriage dahil patuloy silang nakakatanggap ng mga biyaya sa buhay. Alam naman natin na ang pagbibigay sa iba at pagbabahagi ng mga natatanggap sa buhay ay napapalitan ng walang hanggang ligaya para sa pamilya. 

Silipin ang mga komento ng mga netizens patungkol sa magasawa:







Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!

Bansang Japan, Namimigay ng Libreng mga Abandonadong Bahay sa Kung Sino Man ang Gustong Tumira