Silipin ang Napaka-Bonggang Aviation Theme ng Christmas Party ni Vicki Belo Para sa Kaniyang Mga Doktor








Isa si Dra. Vicki Belo sa bilang ng mga sikat na doktor sa ating bansa. Siya ang responsible sa pagpapaganda ng mga mukha lalo na ng mga artista. Kamakailan ay gumawa ng ingay ang Belo Group dahil sa kanilang napaka eleganteng Christmas party kung saan ito ay isang aviation themed na party. Ang ginamit pa nilang hashtag para sa gabing iyon ay ang #BeloDoctorsParty na kung saan ay talagang naging viral sa social media dahil sa angking ganda ng naturang party.

Ang party ay syempre pinasimulan mismo ni Vicki na siyang nagsilbing host. Lahat ng kaniyang mga doktor at staff ay ang mga dumalo sa party na ito. Nandoon din ang kaniyang anak na si Scarlet Snow na nagpabibo sa mga guests sa kaniyang aviation themed na kasuotan din. 






Ang naturang party ay mayroon pang mga boarding pass na nagsilbing tiketa para sa event. Talagang kumpleto sa detalye ang nagmamay-ari ng pass kagaya na lamang ng kay Scarlet. Napili ang tema na ito dahil ang pamilya nina Belo ay mahilig umalis ng bansa at syempre sila ay isa sa mga tanyag na mayaman sa industriya.

Ang party syempre ay hindi kumpleto ng walang red carpet, mayroon ding private jet na nasa lugar upang ito ay maging makatotohanan. Ang party ay dinekorasyon ng accent ng pink at white. Marami din mga rosas at eroplanong palamuti upang ito ay madisenyuhan. Nandoon din ang asawa ni Vicki na si Hayden. Nagbahagi pa ng litrato si Hayden sa kaniyang social media at nilagyan ng caption na: “Been married for a year and three months with this woman. Forever bliss? No. But forever blessed? Definitely.” 








Ang kaniyang mga doktor ay syempre nagbihis aviation nadin. Kilala ang Belo Group bilang mga sikat na doktor upang tumulong pagandahin an gating mga mukha. Kagaya na lamang ng kanilang propesyon, makikita din sa pamilya ng mga Belo ang talagang ganda na maipagmamalaki nila.



Comments

Popular posts from this blog

Lalaki, Nagsuot ng Mascot Costume Upang Surpresahin ang Nobya Ngunit Siya ang Nasurpresa

Isosorpresa Dapat Ng Lalaking Ito Ang Kanyang Nobya Sa Kanyang Birthday, Pero Mas Nasorpresa Siya Nang Mahuli Niyang May Kayakap Itong Iba

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Magandang Foreigner Na-inlove Sa Isang Pinoy Tricycle Driver At Ngayon Ay Kanya Nang Asawa