Video Ni Baby Tali Habang Pinapanuod ang Kaniyang Daddy Vic Sotto sa TV, Nagviral Ngayon!








Sa artikulong ito ay muli nanaman tayong pagigiliwin ni Baby Tali dahil sa kaniyang sobrang kakyutan. Si Talitha Maria Luna Sotto o mas kilalang Baby Tali ay ang anak ng sikat na aktor na si Vic Sotto at ang TV host aktres na si Pauleen Luna. Ipinanganak si Baby  Tali noong ika-6 ng Nobyembre taong 2017.

Ngayon, isang viral news nanaman ang ikinalat ni Baby Tali matapos siyang makunan ng camera habang pinapanuod niya ang kaniyang tatay na si Vic Sotto sa telebisyon. Ito ay habang ipinapalabas ang Kapuso noontime show na Eat Bulaga na isa ang kaniyang tatay sa host ng nasabing palabras. Ang video na kulamat ay mula sa isang Instagram account na @team_bosleng, ang nasabing video ay may caption na “Dadah” at mga hashtags na daddysgirl, fatherdaughter, cutenessoverload, socute, pisngidebola at iba pa. Ang video ay kumalat at naging viral matapos pakiligin ang mga netizens dahil sa kaniyang kakyutan na umabot na sa mahigit kumulang na 30k+ views.





Sa video na ibinahagi sa social media, makikitang si Baby Tali ay nasa kaniyang kwarto at siya ay nakatayo sa kaniyang crib habang seryosong nanunuod sa kaniyang tatay. Maririnig naman din ang boses ni Pauleen sa video na nagsasalita ng mga katagang: “Who’s that? Dada? Is that Dada?” pagkatapos ay ipinakita rin ang reaksyon ni Tali matapos pang dugtungan ng kaniyang nanay ng “Dada, is that dada?” dahil sa labis niyang pagkatuwa habang binabanggit iyon ng kaniyang ina. Ang mga netizens ay talaga namang nagalak sa pagkabibo ni Baby Tali at wala silang magawa kung hindi magkomento nalang kung gaano ka-kyut si Baby Tali sa video na kumalat.



Hindi ito ang unang beses na Makita si Baby Tali sa isang viral video. Ang kaniyang nanay ay palaga din nagpopost ng mga larawan at iba pang videos sa social media habang kasama ang kaniyang tatay, o ng iba pang tao kahit pa man ito ay kumakain, natutulog, umiinom ng gatas o ano pa. Talaga ding makikita natin kung gaano kamahal ni Pauleen ang kaniyang first baby. Sinisigurado naman ng magasawa na kahit pa man sila ay maraming ginagawa sa buhay ng isang artista ay talagang tutok padin sila sa pagaalaga kay baby Tali. 


Comments

Popular posts from this blog

Matapat Na Airport Security Guard Nagsauli Ng Nalaglag Na Perang Nagkakahalagang P500,000 Sa Isang OFW

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

6 Magandang Benepisyong Makukuha Sa Pagkain Ng Sayote

Batang Scientist Nadiskubre Ang Benepisyo Ng Aratiles Para Sa May Mga Dyabetis

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?