Posts

Showing posts from January, 2019

Kinaaliwan Ang Empleyado Na Ito Na Nagsuot Ng SpiderMan Costume Sa Kanyang Last Day Sa Trabaho

Image
Kapag ikaw ay nagtatrabaho sa isang opisina lalo na sa bangko, tiyak na mayroong silang mga dress code na sinusunod. Ang ilan ay nakasuot ng pormal upang maipakita ang kanilang pagiging propesyonal.
Ngunit ang isang empleyadong ito na pa-resign na ay pumasok para sa kanyang last day sa trabaho ay kinagiliwan sa social media pati ng kanyang mga katrabaho dahil sa sinuot nito.
Malamang sa ilang mga nagreresign sa kanilang trabaho ay nagdudulot ito ng iba't ibang emosyon. May halong pagkalungkot dahil iiwanan mo na ang iyong mga naging kaibigan sa iyong workplace, sa ilan naman ay masaya dahil sa wakas makakalaya ka na sa toxic mong trabaho at maaari ring takot dahil isa na namang malaking pagbabago ang iyong haharapin sa araw-araw. 
Ngunit ang nais lang naman ng bawat empleyadong nagreresign ay makapag-iwan ng munting alaala  sa kanilang mga kaopisina at gawin itong "fun day" dahil ito na ang huling araw na haharapin nila ang kanilang trabaho.
Ayon sa isang Imgur post, na…

Silipin Ang Napakagandang Harry Potter Themed Suite Na Ito Sa Tagaytay!

Image
Ikaw ba ay isang dakilang Harry Potter fan? Talaga namang kahit ilang taon na ang makalipas matapos ipalabas ang movie series ng Harry Potter ay marami pa ring mga fans ang tumatangkilik dito. Sa katunayan, ito ay naging sikat sa buong mundo kaya naman marami ang nangangarap na makapunta sa magical na Wizarding World.
Dahil marami na rin ang naiinspire dito, kaya naman taun-taon ay makikita ang paggamit ng tema na ito sa mga debuts, birthdays, halloween at Christmas parties. 
Malamang alam niyo na rin na mayroong mga themed parks sa ibang bansa tulad ng sa Osaka, Japan na mayroong Harry Potter theme. At makikita dito ang mga iconic na mga gamit at lugar na makikita sa mga HP movies. 
Ngunit kung ikaw ay wala pang budget para makapunta sa ibang bansa para magkaroon ng Harry Potter experience sa buhay mo, huwag kang mag-alala. Sa katunayan, mayroong isang pinaparentang Airbnb suite sa Tagaytay na talaga namang makakapagbigay sa iyo ng extraordinary Harry Potter experience. 
Ang Harry P…

Kinaaliwaan Ang "Rizal Park" Na Ito Na Matatagpuan Sa China!

Image
Kapag sinabing historical places in Manila, unang una na sigurong papasok sa inyong isipan ay ang Rizal Park o mas kilala bilang sa tawag na Luneta. Matatagpuan kalapit ng Manila Bay ay ang pinakaimportanteng lugar na ito sa kasaysayan ng Pilipinas dahil dito ginugunita ang kabayanihan ng ating pambansang bayani.
Ang makasaysayang lugar na ito ay naging paborito na ring pook pasyalan ng mga tao lalo na tuwing linggo o kapag national holidays. Ito rin ang isa sa mga tourist attractions ng Maynila. Ngunit ang pangit lamang dito, ang mga taong nagkakalat pagkatapos nilang mamasyal sa park. 
Pero alam niyo ba na hindi lang pala sa bansang Pilipinas mayroong monumento si Jose Rizal? Sa katunayan, ang eksaktong replica ng Jose Rizal monument ay mayroon ding nakatayo sa Jinjiang City sa China.
Itinayo ang monumentong ito bilang pagpupugay sa great-great grandfather ni Gat Jose Rizal na si Domingo Lamco na isang Chinese sa Zhang-Guo Province. Siya ay isang dating residente at citizen at pina…

Bride Gumawa Ng Wedding Gown Na Gawa Lang Sa Papel Para Sa Araw Ng Kanyang Kasal!

Image
Pangarap ng karamihan sa mga babae ang magkaroon ng maganda at memorable na wedding. Sa iba ito naman ay talagang pinaghahandaan at pinagkakagastusan. Isa na ritong pinagkakaabalahan ng mga babaeng ikakasal ay ang kanilang isusuot ng wedding gown.
Siyempre ang nais lang naman nila ay lumitaw sila ang pinakamaganda sa araw nilang iyon habang suot suot ang puting trahe de boda. 
Ngunit sa hirap ng buhay ngayon, hindi lahat ng mga bride ay may perang pampatahi o pambili ng kanilang dream wedding dress. Tulad na lang ng de papel na wedding gown ni Maricel Capinig AbaƱo noong siya ay ikinasal sa kanyang asawa na si Ronald Lucena Mata. 
Naging agaw atensyon ang wedding day na ginanap sa Fernwood Gardens sa Sanville, Quezon City dahil si Maricel ay nagsuot ng gown na ginawa niya gamit ay puting cartolina at bond paper. 
Kwento ng bride, maliit lamang ang sahod ng kanyang mister bilang isang landscaper. Mayroon pa silang tatlong maliliit na anak na binubuhay at saka nangungupahan lamang sa i…

Ang Dating "Iskolar Ng Bayan" Ngayon Ay Isa Nang Milyonaryo Sa Edad Na 26

Image
Sa buhay ng isang tao, wala talagang imposible lalo na kapag ito ay sinamahan mo ng dasal, sipag, at tiyaga. Akala ng iba na ang pagiging milyonaryo ay isa na lamang pangarap, ngunit ito pala ay pwedeng mangyari lalo na kung maabilidad ka lang at masipag. 
Tunghayan ang nakaka-inspire na istorya ng isang lalaki kung paano siya naging milyonaryo sa batang edad na 26.
Ang lalaki ay kinilala bilang si Jhay-R Reyes, na dati ay isang "iskolar ng bayan" sa Polytechnic University of the Philippines o PUP. Noon pa man ay pinapangarap na niyang maging milyonaryo. Ayon sa kanya, mayroon daw siyang goal noon na dapat sa edad na 25 taong gulang ay mayaman na siya, may sariling sasakyan at bahay na talagang matatawag niyang sa kanya. 
Noong nag-aaral pa lamang ang binatilyo ay natutunan na niyang mag-invest sa stocks. Nagsimula raw ito sa maliit na investment na 4 digits lamang (Php9,100+) sampung taon makalipas habang siya ay isang iskolar sa PUP. Nagkaroon ito ng higit 1000 buy at sel…

Mga Natural Na Home Remedies Para sa Pananakit ng Ngipin!

Image
Matanda man o bata, nagkakaroon pa rin ng s@k!t sa ngipin. Dulot ng mga pagkaing kinakain at minsan ay dahil sa poor hygiene at marami pang iba. Minsan hindi lang s@k!t sa ngipin ang ating nararanasan kundi pati na rin ang s@k!t sa ulo. 
Ang s4k1t sa ngipin ay bunga ng problema sa ngipin o gums tulad ng tooth decay, gum dis3@se, tooth abscess o impacted tooth. Mayroong mga oras na gabi umaatake ang s@k!t sa ngipin kaya naman hindi nakakapunta sa malapit na botika para lamang bumili ng gamot para rito. Di mo na kailangan pang mamroblema dahil meron namang gamit na mismo sa bahay na kung saan makakatulong sa iyo upang maalis ang s@k!t na nararamdaman.




1. Tea Bags Sa pamamagitan ng tea bags, mababawasan ang nararamdaman at giginhawa ang iyong pakiramdam. Ang kailangan lang gawin ay pagkatapos maipainit ang tea bag, hayaan itong magcool down ng ilang saglit at saka ilagay ito sa kung saan sumas@k!t ang iyong ngipin o kaya pwede namang pagkatapos gamitin ang tea bag, ilagay ito sa freezer …

Filipino Driver Nagsauli Ng Bag Na Naglalaman Ng 2 Milyong Piso Sa Isang Foreigner!

Image
Bibihira na lamang talaga ngayon ang mga taong may mabuti at tapat na kalooban. At ang mga taong ito ay talaga namang kahanga-hanga sila at mabuti ehemplo ng ating lipunan. Sila ang mga taong hindi basta basta natutukso sa pera. 
Ang mayor ng Sogod, Southern Leyte ay ibinahagi ang istorya ng isang Pilipinong motor cab driver na ito na talaga namang ikinahanga ng maraming netizens dahil sa ginawa niyang kabutihang loob.
Ang istorya ay unang iniupload sa social media at talaga namang marami ang napa-share at napa-like dito. Karamihan din sa mga netizens, sinabi na dapat ay maging isa siyang role model sa bawat Pilipino.
Kinilala ang mabuting driver na si Dennis Geverola. Siya ang nagsauli ng isang bag na naglalaman ng P2 milyong piso na naiwan sa kanyang motor cab na napag-alamang pagmamay-ari ng isang foreigner. 
Sa social media account ng mayor ay masaya niyang ipinost ang ginawang pagsasauli ng lalaki. 
Narito ang kanilang naging pahayag:
"On behalf of the Municipality of Sogod,…

7 Rason Kung Bakit Mas Pinili Kang Iwan Ng Iyong Babaeng Minamahal

Image
Aminin na natin na wala talagang perpektong relasyon. At isa sa mga rason ng hindi pagtagal at paghihiwalay ng dalawang taong magkarelasyon ay dahil hindi napupunan ng isa't isa ang mga pangangailangan ng bawat isa. 
Maaari rin na kahit gaano ka pa kamahal ng iyong asawa o girlfriend ay mas pinili ka na lamang niyang iwan dahil sa mga rason na ito na dapat mong malaman!
1. Hindi ka niya maasahan
Ang mga babae, gusto nila na sa panahon na kailangan nila ng tulong mula sa kanilang kasintahan o asawa ay maaasahan nila ito. Dahil sino pa ba ang una niyang lalapitan upang humingi ng tulong kung hindi ikaw. Kung dito pa lamang ay hindi mo na ipinaparamdam na hindi ka niya maaasahan, ay wag ka na ring umasang hindi ka niya iiwanan sa huli.
2. Napapagod na siyang gawin ang mga bagay na gusto mo
Mahirap talagang baguhin ang totoong ikaw lalo na kung ang pagbabagong ito ay taliwas naman talaga sa iyong pagkatao. Kung nais mo lang din na  baguhin sa iyong kasintahan o asawa ang lahat ng hindi…

Ito ang Magandang Benepisyo ng Pagkonsumo ng Frozen Lemon!

Image


Ano-ano nga ba ang benepisyo ng lemon?
Ang lemon ay isa sa mga prutas na madaming health benefits sa ating katawan. Mataas ito sa Vitamin C, fiber, anti-oxidants. Sa totoo lang, kaunti lamang sa mga Pilipino ang may kaalaman tungkol sa mga benepisyo ng lemon at kung gaano kalaki ang maitutulong nito sa ating kalusugan. Madami ding sak!t ang maiiwasan kung madalas itong inihahalo sa ating tubig na inumin. Ito ay kilala din bilang isang powerful na pagkain laban sa c@n3r cells sa katawan.
Bakit mas mabuti kung ilagay sa freezer ang Lemons?
Marami ang hindi nakakalaam na ang lemons ay isa ring anti-depressant. Bukod sa iba pang benepisyo nito ay mas magkakaroon ng soothing effect sa tao kapag ito ay nakafreeze. Ang pag freeze ng lemon ay nakakatulong din para mas magkaroon ito ng mabangong aroma kung saan mas tataas ang ating pagkagusto kapag ito ay kinonsumo.



Narito ang ilan sa benepisyo ng lemon:
1. May kakayahan itong ipababa ang c@nc3r cells
Base sa mga pag-aaral simula pa noong 1970 ay ma…

6 Na Senyales Na Ang Inyong Atay (Liver) Ay Puno Ng Dumi At Kung Dapat Mo Na Ba Itong Idetoxify

Image
Ayon nga sa isang komersyal, "Be a liver lover." Ang atay o liver ay ang organo sa na responsable sa paglilinis ng katawan laban sa mga masasamang toxins at waste products. Ito rin ay may mahalagang tungkulin sa metabolismo.
Ang ating atay ay nagpo-produce ng bile, isang fluid na tumutulong sa pagtunaw na pagkain partikular ang mga fats. Kapag ang iyong atay ay inyong pinabayaan, maaari itong masira at magdulot ng komplikasyon. Kaya upang maiwasan ito, narito ang mga senyales na dapat mong bantayan upang malaman kung puno na ng dumi ang iyong atay. 
1. Paninilaw ng mata o balat 
Ang kondisyong ito sa medikal na termino ay tinatawag na jaundice. Ito ay ang resulta ng by-product na bilirubin na dapat ay nailalabas sa pamamagitan ng bile. Kung ang iyong atay ay damaged, hindi ito makakapaglabas ng bile at ang resulta ay pagdami ng bilirubin sa ating dugo na siyang nagdudulot ng paninilaw ng mata at balat.
2. Pagpa-pasa
Ang atay ay responsable sa produksyon ng blood clotting fact…

Mga Epektibong Home Remedies Na Puwedeng Pang-alis ng mga Kuto!

Image
Nahihiya ka ba sa kaka-kamot dito, kamot doon? Mga pesteng kuto o lice na maliit man kung makita sobra naman ang bigay nitong pangangati sa ulo at ang hirap hirap pang tanggalin dahil ang iba ay nakadikit na sa anit natin. Pangalan pa lamang na “kuto” ay mapapakamot ka na sa iyong ulo at maiirita kapag narinig ito.
Ang lice o kuto ay mga insekto na namumuhay sa katawan ng tao sa pamamagitan ng pagsipsip sa ating dugo at madali itong kumalat o makuha mula sa ibang tao sa paghihiraman ng personal na mga gamit tulad na lamang ng suklay. Hindi lamang ito nangyayari sa ating ulo kundi pati na rin sa katawan at pubic area kaya naman sana habang maaga pa lamang ay maagapan na ito para hindi na mas lalong dumami pa habang tayo tumatanda. 



Narito ang ilang mairerekomenda naming bagay na makikita sa bahay na maaaring gamitin upang maalis ang mga kutong ito.
1. Bawang Hindi lang pala bampira ang pinapaalis ng bawang, pati na rin ang maliliit na kuto? Mula pa sinaunang panahon isa na ang bawang bi…

Naglalagas Ba ang Iyong Buhok? Narito ang Ilang Gamit sa Kusina o Bahay na Makatutulong Sayo!

Image
Siguro masasabing lahat ng tao ay takot mawalan ng buhok dahil lahat tayo ay mahal natin ang ating buhok, kaya naman para tayong nasa panaginip o parang isang bangungot kapag nakikita natin itong unti unting nalalagas.
Maraming rason kung bakit ito nangyayari, maaaring dahilan ang hindi pagkain ng tama, hindi balanseng lebel ng hormones, o mga  namamanang s@k!it na maaaring maging dahilan ng paglalagas ng buhok. Ang pinakamabuting paraan ay ang pagkonsulta sa iyong doktor kaysa ang paggamit ng mga nakikita lamang sa patalastas sa telebisyon o gumamit ng natural na paraan upang mabalik ang nalagas na buhok. Alamin ang mga ilang natural na paraan upang maibalik natin ang pagtubo ng ating buhok.




1. Rosemary oil Ang rosemary oil ay mabisang paraan ng pagpapatubo ng buhok sa paraan ng pagpapabuti ng daloy ng dugo sa ating katawan. Ihalo lamang ang isang kutsarang rosemary oil sa dalawang kutsarang olive oil, imasahe sa iyong anit lalo na sa parteng nakakalbo saka iwan ng magdamag para magi…