5 Paraan Upang Matanggal ang Inyong mga Tonsil Stones na Nakakapagpabaho ng Inyong Hininga







Ang tonsil stones ay ang mga matitigas na minsan ay kulay white o yellow na nabubuo sa loob o labas ng tonsils. Maliit ang kanilang itsura kaya hindi  napapansin ng isang tao na meron na pala siya nito sa kanyang tonsils. Karaniwan sa tao ang magkaroon nito pero hindi nga lang nila alam na mayroon silang ganito. Hindi man ito ganoon kadelikado pero hindi rin maganda na magkaroon nito dahil nga sa mga sinstomas na dala dala nito. Habang tumatagal ay pabaho na ng pabaho ang amoy nito kaya naman agad ang paglunas dapat dito.  

Ito ay tinawag na tonsil stones dahil sa maliliit na debries sa lalamunan, nangyayari ito doon dahil ang trabaho ng tonsils ay tumutulong upang labanan ng katawan ang mga infections sa pamamagitan ng pagtrap ng mga maaaring pumasok na bacteria, viruses at iba pang panganib na nanggagaling bibig. Ito ay nagsasanhi hindi lamang ng maga at baho ng hininga kundi pati na rin ng sore throat at hirap sa paglunok. Kung gusto mong malunasan ito ng hindi na kailagan pang gumastos ng malaking halaga narito ang ilang kagamitan sa bahay na makatutulong sa iyo.




1. Asin
Mula pa sinauna, epektibo na ang pagmumog ng maligamgam na tubig samahan pa ng asin sa pagtatanggal ng bakterya sa ating bibig. Ito ay mabisang paraan para marelieve ang iyong lalamunan at matanggal ang mga nastuck na tonsil stones. Ang kailagan lang gawin ay kumuha ng isang basong tubig ihalo ang asin at imumog na ito sa loob ng ilang minuto.


2. Cotton buds
Maraming nakakalat ngayon sa internet ng mga videos at articles na maaaring makatulong ang toothbrush sa pagaalis ng tonsil stones pero hindi ito magandang ideya dahil maaari itong maging dahilan ng ilang scratch na magresulta ng pagdurugo at inf3ction. Kaya imbes na toothbrush ang gamitin, ang magandang gamit sa iyo ay ang cotton buds




3. Pag-ubo
Sa pamamagitan ng pag-ubo malalaman mo na mayroon kang tonsil stones. Sa pamamagitan ng malakas na pag-ubo maaari nito maalis ang mga tonsil stones. 

4. Water
Sa pamamagitan ng pagmumog ng tubig ng ilang segundo sabayan pa ng pagtanggal sa tonsil stones gamit ang cotton buds ay matatanggal na ang ilang bagay na nakadikit sa walls o gilid ng loob ng iyong bibig.

5. Dila
Bakit pa tayo lalayo kung meron naman ng bagay na nasa loob mismo ng ating bibig na makakatulong sa atin - ang dila. Matapos ng pagmumumog ng asin at tubig, gamitin ang iyong dila para matanggal ang mga tonsil stones na nagiging dahilan ng mabahong hininga.

Kung hindi umepekto ang mga home remedies na ito sa iyo mabuting ipatingin ito sa doctor dahil kapag mas lumalaki ang iyong tonsil stones maaaring mas mahirap na itong ipatanggal.


Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera