5 Tiyak Na Senyales Na Hindi Ka Nakakapagpahinga Ng Mabuti At Kulang Ka Sa Tulog



Hindi sapat ang matulog ng 7-8 hours kada araw kung ang iyong pagtulog naman ay mababaw. Karamihan sa mga tao ay naranasan na ang pangyayaring ito. At kapag sa iyong paggising ay parang hindi ka nakapagpahinga ng mabuti, ito ay dahil hindi naging mahimbing ang iyong pagtulog.

Narito ang mga eksaktong senyales na ikaw ay hindi nakakapagpahinga ng mabuti nagkakaroon ng sapat na tulog .

1. Madalas mong i-off ang iyong alarm

Kaya tayo nagse-set ng alarm ay para magising tayo sa tamang oras. Ngunit kung nakaugalian mong i-off nang i-off ito dahil inaantok ka pa rin, malamang ay hindi pa rin nakapagpahinga ng mabuti ang iyong katawan at nagkukulangan ka pa sa tulog. 

2. Ang utak mo ay hindi gumagana ng mabuti

Ang ating utak ay kailangan ding magpahinga. Araw-araw kailangang ma-refresh ang iyong utak sa pamamagitan ng pagtulog ng sapat. Kung ikaw ay nagkulangan sa tulog, maaaring makapagpababa ito ng attention span at memorya. Mahihirapan ka ring makapag-focus at mag-isip ng mabuti.

3. Ikaw ay palaging iritable at badtrip

Ang kakulangan sa pagtulog ay nakakaapekto sa mood ng isang tao. Ikaw ay nagiging iritable at madaling mabadtrip. Madaling uminit ang iyong ulo maging sa maliliit na bagay. Tandaan na ang palaging galit ay mabilis na makapagpatanda ng mukha.

4. Lumalakas kang kumain

Kung ang goal mo ay pumayat, dapat ay matulog ka ng sapat. Dahil ang pagkakaroon ng kakulangan sa tulog ay makakapagpabago sa iyong metabolismo. Mas mabilis kang magutom ngunit ang katawan mo naman ay babagal sa pagtunaw ng taba. Kaya ang resulta ay pagdagdag ng timbang at pagtaba.

5. Hindi ka makapag-ehersisyo

Ang resulta ng kulang sa tulog ay mas mababang enerhiya. Ito ay dahil hindi nagkaroon ng sapat na pahinga ang iyong katawan at kulang ang iyong enerhiya upang gawin ang mga pang-araw araw na gawain. At kung ito ay nangyari, ikaw ay mawawalan na rin ng ganang mag-exercise. 

Comments

Popular posts from this blog

Pinay OFW Sa Hong Kong Ibinahagi Ang Kanyang "Ipon Challenge" Na Ginawa Lamang In 6 Months

Pinay na Dating Taga-Squatter, Presidente na Ngayon sa Isang University sa Amerika!

Bahay Kubo Sa Labas Pero Mamangha Kayo Sa Modernong Disenyo Nito Sa Loob

Isang Basurero Nakapulot Ng Kalahating Milyon Sa Basura Isinauli Sa May-ari At Nakatanggap Ng Pabuya

Jackpot Ang Lalaking Ito Matapos Makatagpo Ng Wallet Na May Lamang Pera Sa Damit Na Nabili Sa Ukay-Ukay