6 Magandang Benepisyong Makukuha Sa Pagkain Ng Sayote

Ang sayote ay isang karaniwang gulay na makikitang inihahapag sa kainan ng pamilya Pilipino. Kadalasan ang pagluluto nito ay ginisang sayote o di kaya ay isinasama sa tinolang manok. Ang gulay na ito ay hindi lamang matatagpuan sa Pilipinas kundi sa ibang parte na rin ng Asya.

Bukod sa napaka-fresh nitong lasa ay mataas din ito sa water content. Kaya naman maraming tao ang kumakain ng gulay na ito dahil sa magagandang benepisyong naidudulot nito!

1. Pampabawas ng timbang

Ang sayote ay mayroong napakababa lamang na calories kaya maganda itong kainin ng mga gustong magpapapayat. Ang mataas na water content nito ay makakatulong upang mapabusog ka agad at hindi ka na mapakain ng marami. Napupuno rin ito ng fiber na inirerekomenda sa mga taong gustong magpapayat.

2. Pampababa ng kolesterol

Kung pag-uusapan din lang ang nutrient content ng sayote ay mapapatunayan na ito ay napakahealthy dahil wala itong taglay na 'bad' fats. Kaya naman makakatulong ito upang mapababa at makontrol ang iyong kolesterol.

3. Pampalakas ng stamina

Ang potassium ay isang electrolyte na esensyal sa katawan upang mapanatili ang iyong lakas at stamina. At sa kabutihang palad, ang sayote ay may taglay nito. 

4. Pang-iwas sa pagkakaroon ng diperensya sa dinadalang sanggol sa sinapupunan

Ang mga buntis ay kailangan ang folate para sa kanilang dinadalang sanggol. Ito ay kailangan para cell division process at para sa development ng sanggol sa loob ng sinapupunan. Ang pagkonsumo ng mga pagkaing mayaman sa folate ay makakatulong upang hindi magkaroon ng komplikasyon o diperensya sa utak ang sanggol.

5. Para sa may kidney stones

Ang sayote partikular na ang dahon nito ay ginagamit na panggamot sa may kidney stones. Napatunayan din na epektibo ito sa pagpapababa ng presyon.

6. Pang-iwas k0nstipasyon

Kapag isinama sa iyong diyeta ang sayote ay makakadagdag ito sa fiber intake na kailangan ng iyong katawan araw-araw. Ang fiber ay kailangan upang ma-maintain ng maaayos ang takbo ng iyong tiyan at upang maiwasan ang konstipasyon.

Comments

Post a comment

Popular posts from this blog

Grab Food Rider Kinain Na Lamang Ang Di Binayaran At Kinanselang Order Ng Kanyang Customer

Jackpot Ang Lalaking Ito Matapos Makatagpo Ng Wallet Na May Lamang Pera Sa Damit Na Nabili Sa Ukay-Ukay

Lalaki, Nagsuot ng Mascot Costume Upang Surpresahin ang Nobya Ngunit Siya ang Nasurpresa

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan

Matandang Lalaki, Inakalang Pulubi ng Isang Pawnshop Ngunit Ito Pala ay Nagpapadala ng Pera Para sa Anak!