6 Morning Habits Na Pumipigil Sa Iyong Pagpayat At Mas Lalo Lang Nakakapagpadagdag Ng Timbang

Ang pakakaroon ng magandang umaga ang makakapagpabuo ng iyong buong araw. Sinasabi na kapag nagsimulang maganda ang iyong umaga ay susunod na ito hanggang matapos ang araw. May mga morning habits ang bawat isa sa atin na nagdudulot ng kagandahan sa ating katawan, at ang iba naman ay nakakasama lamang pala. 

Narito at alamin ang mga ito upang maiwasan na ang mga bad morning habits na patuloy mo pa ring ginagawa hanggang ngayon na siya lang pumipigil sa iyong pagpayat. 

1. Hindi pagkain ng mabigat na agahan

Sinasabi na ang breakfast ang "important meal" of the day. Ito ay dahil ito ang nagiging "fuel" ng iyong katawan na siyang makakapagpagana sa iyong katawan. Ayon sa mga eksperto, ang pagkain ng mabigat na agahan at kakaunting hapunan ay mas epektibo sa pagbabawas ng timbang. Ito ay dahil sa umaga ay mas nagagamit ang enerhiya na galing sa mga pagkain.

2. Hindi ka nagpapa-araw

Ayon sa mga researchers, ang sikat ng araw sa umaga ay nakakatulong upang masunog ang mga sobrang taba sa katawan partikular ang mga white fat tissues. Lumiliit ang mga ito kapag ito ay naeexpose sa sikat ng araw. Alalahanin lang na huwag masyadong magbabad sa araw at gumamit ng sunblock.

3. Hindi ka umiinom ng tubig sa iyong pagkagising

Ang katawan ng isang tao ay nabubuo ng 55%-60% ng tubig kaya mainam ang paginom ng tubig pagkagising. Ang tubig ay nakakatulong sa pagpapabilis na metabolismo lalo na sa umaga at nakakapagtanggal ng toxins sa katawan. Kaya dapat ugaliing uminom ng 1-2 basong tubig pagkagising na pagkagising sa umaga.

4. Hindi ka nag-eehersisyo

Ang pag-eehersisyo sa umaga ay nakakatulong upang bawasan ang iyong cravings at appetite. Hindi naman kailangang magsagawa ng mabibigat na exercise, ang simpleng 30 minute na paglalakad ay makakatulong na sa iyong pagpapapayat.

5. Mas marami kang kinakain sa tanghalian at hapunan

Ang mga taong hindi kumakain ng kanilang agahan ay mas napapakain ng mga matatamis at unhealthy na pagkain sa buong araw. Mas tumataas din ang kanilang cravings o pagkagutom pagdating ng ganitong oras kaya naman mas mabilis silang tumaba.

6. Mas inuuna mo ang pagce-cellphone

Ang gawaing ito ay isang dahilan kung bakit lumilipas ang iyong oras na imbes na makagawa ka ng iba pang bagay tulad ng pag-eehersisyo ay hindi mo na magawa sa umaga. Ito rin ay maaaring magdulot ng stress sa iyo sa pagsisimula palang ng iyong umaga. At ang pagiging stress ng madalas ay nakakapagdulot sa iyong mga stem cells na maging fat cells sa katagalan.

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!