6 Na Importansya Ng Bawang Sa Puso, Presyon At Kalusugan

Ang bawang ay isa sa mga pangunahing sangkap sa mga lutuin. Nakakapagbigay ito ng mabangong aroma at lasa sa mga pagkain. Ngunit hindi lahat ng tao ay kumakin ng bawang, ang iba kaya nila ito ayaw ay dahil nagiiwan ito ng amoy sa kanilang bibig.

Pero ang hindi nila alam, ang mga kaya nitong gawin sa iyong kalusugan lalo na sa pagdating sa iyong puso at sa pagpapababa ng presyon. Kaya naman ibabahagi sa artikulong ito  kung bakit importante ang pagkain ng bawang!

1. Mabuti para sa puso at nakakapagpababa ng mataas na presyon

Ang bawang ay may kakayahang magpaluwag ng mga ugat sa ating katawan upang mas mapaganda ang daloy ng dugo mula sa ating puso. Ito ay benepisyal sa mga taong may hypertension o may mataas na presyon dahil may kakayahan itong pababain ang presyon ng isang tao. 

2. Nakakapagpababa ng kolesterol

Tinatayang 50% ng populasyon sa buong mundo ay concerned sa kanilang cholesterol level. Ito ay dahil ang pagkakaroon ng mataas na kolesterol ay maaaring magdulot ng iba't ibang isyung pangkalusugan tulad ng hypertension, dyabetis, atake sa puso, at str0ke.

Ang bawang ay mayroong active components na nakakatulong magpababa ng kolesterol sa dugo. Ayon din sa mga pagsusuri, na ang mga taong kumakain o umiinom ng katas ng bawang ay mayroong mas mababang lebel ng tinatawag na "bad cholesterol."

3. Pagkain para sa utak

Ang antioxidants na mayroon ang bawang ay nakakatulong pababain ang oxidative stress sa katawan. Hindi maganda ang oxidative stress sa ating utak dahil sa katagalan, ang mga taong nakakaranas nito ay may mataas na tiyansa sa pagkakaroon ng kondisyon sa utak tulad ng Alzheimer's and dementia.

4. Remedyo para sa kumikirot na ngipin

Minsan hindi tayo agad-agad nakakapunta sa dentista upang ipasuri ang sumasak!t na ngipin. Mabuti na lang ay mayroong home remedy upang kahit papano ay maibsan ang pananak!t. Ang bawang ay may taglay na cysteine, na mayroong anesthetic effect. Kumuha ng isang butil ng bawang at hiwain. Ikuskos ito sa iyong ngipin upang maibsan ang pananak!t.

5. Panlunas sa mga implamasyon sa katawan

Ang taglay na sulfur compounts sa bawang ay may detoxifying ability na nakakatulong sa pagpapawala ng mga implamasyon sa katawan ulad ng skin rashes, acne, at arthritis. Sinasabi rin na ang paglalagay ng garlic oil sa iyong tenga ay nakakapagpawala ng pagsak!t nito. Ngunit mas makakabuti kung ikonsulta muna ito sa iyong doktor. 

6. Para sa athlete's foot

Ito rin ay mayroong anti-fungal properties na nakakatulong upang matanggal ang mga fungal inf*ctions sa katawan tulad ng athlete's foot. Magbabad lamang ng bawang sa isang palangganang may mainit na tubig at ibabad ang iyong paa dito sa loob ng 30 minuto.

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!