7 Home Based Business Ideas Para Kumita Ng Extra Income


Sino ba naman ang hindi gustong kumita ng extra income? Sa hirap ng buhay ngayon at taas ng mga bilihin, minsan ay kailangan ding kumayod ng doble. Kadalasan ang sinusweldo ng isang normal na empleyado ay hindi sapat upang matustusan ang pangangailangan niya at ng kanyang pamilya. 

Kaya naman narito ang mga home-based business ideas na maaari mong subukan upang kumita ng extra income habang kasama mo pa ang iyong pamilya.

1. Sari-sari store

Ang business na ito ay nangangailangan lamang ng maliit na kapital. Ngunit ang kinakailangan mo dito ay ang alistong taga-bantay ng iyong tindahan. Ang mga sari-sari store ay mga business na nakapagbibigay ng convenience lalo na sa mga taong may nais bilhin. Hindi man ganoon kataas ang babalik na pera sayo agad agad, ngunit nakatitiyak naman na makakatulong ito sa iyong pang-araw araw na gastusin. 

2. Prepaid load

Ang pagbebenta ng prepaid load ay napaka-convenient na business. Maaari mo rin itong gawing sideline dahil ang kailangan mo lamang ay cellphone at pangload sa iyong mga suki. Ang business na ito ay maaari ring isama sa iyong sari-sari store.

3. Pagbebenta ng baked goods o pastries

Ang mga Pinoy ay mahilig sa mga desserts lalo na para pampatanggal umay o di kaya ay pang-meryenda. Kung ikaw ay may talent sa paggawa ng mga baked goods, pastries, o desserts ay magandang ideya ito na pwede mong simulan upang mapagkakitaan. 

4. Online clothes and accessories shop

Ang ideyang ito ay napaka-useful at helpful din lalo na't karamihan sa atin ngayon ay gumagamit na lahat ng internet. Kung ayaw mong magpundar ng investment para maghanap ng pwestong irerent para sa iyong shop, dito makakatulong ang power ng internet at social media. Maaari kang magpost online ng mga gamit, damit o accessories na iyong ibinebenta. 

5. Events planning

Ikaw ba ay mahilig mag-host at mag-organize ng mga parties? Maaari mong subukan ang pagging events planner. Lalo na't mabenta itong business na ito lalo na sa mga nagdiriwang ng mga birthdays, debuts, at weddings.

6. Photography

Kung ikaw ay mayroon talent sa pagkuha ng letrato at pag-eedit ng pictures, maaari mong gawing sideline ang photography. Sa dami ng mga taong gustong magpa-photoshoot sa pre-nup o di kaya ay newborn baby photoshoot tiyak ay makakakuha ka ng cliente. Maaari mong simulan ito sa iyong mga kaibigan o kamag-anak. 

7. Tutor

Sa dami ng estudyanteng nangangailangan ng extrang tulong upang maintidihan ang mga lessons sa eskwela, ang pagtu-tutor ay magandang pagkakitaan. Maaari ring gawin ito after office hours kung ikaw ay nagta-trabaho o di kaya tuwing weekends. 


Comments

Popular posts from this blog

Jackpot Ang Lalaking Ito Matapos Makatagpo Ng Wallet Na May Lamang Pera Sa Damit Na Nabili Sa Ukay-Ukay

Lalaki, Nagsuot ng Mascot Costume Upang Surpresahin ang Nobya Ngunit Siya ang Nasurpresa

Grab Food Rider Kinain Na Lamang Ang Di Binayaran At Kinanselang Order Ng Kanyang Customer

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan

Matandang Lalaki, Inakalang Pulubi ng Isang Pawnshop Ngunit Ito Pala ay Nagpapadala ng Pera Para sa Anak!