7 Kagandahang Epekto Sa Kalusugan Ng Pag-inom Ng Katas Ng Aloe Vera

Sa katunayan, ang gamit ng aloe vera ay naging tanyag na sa buong mundo. Maaaring gamitin  bilang pampaganda sa buhok, pampakinis ng mukha, pamahid sa balat, at marami pang iba. Kaugnay nito, maaari ring gamitin ang katas nito at gawin bilang isang juice o inumin na napakarami ring magandang benepisyong naibibigay sa kalusugan.

Narito at alamin ang kagandahang epekto ng paginom ng natural na aloe vera juice!

1. Nagbabalanse ng sugar level sa katawan

Ang aloe vera ay nagtataglay ng manganese, zinc, at magnesium na kailangan upang magawa ang tungkulin ng insulin sa katawan. Ayon sa mga pag-aaral, naisasaayos nito ang glucose level ng katawan.

2. Tumutulong sa may acidic na katawan

Upang maiwasan ang pagkakaroon ng acidic na pangangatawan, dapat ay kumain ng mga pagkaing alkaline o nakakatulong magpababa ng acidity sa katawan. Isang halimbawa na rito ay ang aloe vera juice.

3. Nililinis ang iyong atay

Upang mapanatiling malusog ang iyong atay, dapat ay i-detox mo rin ito. At ang aloe vera juice ay isang magandang inumin para dito dahil mayaman ito sa phytonutrients at pinapanatiling hydrated ang katawan.

4. Para maiwasan ang konstipasyon

Ang paginom ng aloe vera juice ay nakakatulong upang mapataas ang water content sa iyong mga bituka para mas mabilis na mailabas ang dumi. Nakakatulong din itong i-normalize ang mga healthy bacteria sa iyong tiyan at mapanatiling balanse ang intestinal flora.

5. Pampaganda at pampakinis ng kutis

Nakakatulong itong i-hydrate ang balat at bawasan ang paglitaw ng mga tiyawat. Mayaman ito sa antioxidants at vitamins na nagpoprotekta sa balat laban sa mga free radicals ng paligid. Nire-repair din nito ang balat na sinisira ng ultraviolet rays ng araw.

6. Para sa nakakaranas ng heartburn

Ang mga compounds na taglay ng aloe vera ay tumutulong upang ma-kontrol ang acid secretion sa iyong tiyan. Nakakapagbigay din ito ng ginhawa laban sa heartburn.

7. Pampaganda

Maaaring gamitin ang katas ng aloe vera bilang make-up primer, pantanggal ng make-up, moisturizer, at pampawala ng sunburn.

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!