7 Kapakipakinabang Na Gamit Ng Balat Ng Lemon Na Dapat Niyo Munang Subukan Bago Niyo Ito Itapon!



Kapag sinabing lemon, ang unang papasok sa ating isipan ay ang kulay dilaw na prutas ka kadalasang ginagawang juice. Marahil marami na ang nakakaalam sa mga benepisyong naibibigay ng lemon tulay ng pampalakas ng resistensya, pampaputi, etc. 

Ngunit hindi lang pala ang katas o juice nito ang may pakinabang. Sa katunayan, ang balat mismo nito ay may gamit din pala na kakaunti lamang ang nakakalaam. Narito at alamin kung saan niyo pa ito pwedeng paggamitan!

1. Panlinis ng lababo o sink

Ang mga lababo at bathtubs sa katagalan ay nagkakaroon ng buo-buong dumi na mahirap tanggalin. At kapag dumami ang mga dumi ay nagmumukhang luma na ito. Upang mapakintab muli ito, mag-taktak ng baking soda sa basang lababo o bathtub. Gamit ang pinagbalatan na lemon, ikuskos ang loob na parte nito upang matanggal ang nanigas na dumi. Ang lemon ay nagsisilbing bleach para kumintab ang iyong lababo at bathtub.

2. Pantanggal ng mantsa sa iyong mga kitchenwares

Bukod sa kakayahang magtanggal ng sebo, ang citric acid na matatagpuan sa balat ng lemon ay nakakatulong din upang tanggalin ang mga mahirap na matanggal na mantsa sa inyong mga plato at baso.

3. Pantanggal ng mantsa sa damit 

Ang mantsa sa damit na galing sa kili-kili ay napakahirap tanggalin. Nakakasira rin ito sa damit dahil nagiiwan ito ng naninilaw na mantsa. Samantala, ang natirang balat ng lemon ay makakatulong upang tanggalin ang mga mantsang ito. Mas mainam na gamitin ang kaka-piga lamang na lemon dahil may natira pa itong katas. Ipangkuskos ito sa damit na may mantsa at iwanan buong gabi. Maaari ring lagyan ito ng kaunting baking soda.

4. Pang-refresh at pang-sanitize ng cutting board

Nagiiwan ng hindi magandang amoy sa iyong cutting board ang mga hiniwang bawang o sibuyas. Ngayon upang madaling matanggal ang amoy nito, hindi mo na ito kailangang sabunin ng sabunin. Ikuskos lamang ang pinagbalatan ng lemon at matatanggal na ang masangsang na amoy nito. Pagkatapos ay hugasang mabuti at patuyuin.

5. Pantanggal ng hindi magandang amoy sa kamay

Kung kaya nitong tanggalin ang amoy sa inyong cutting board, ay epektibo rin ito sa pantanggal ng dumikit na amoy ng bawang o sibuyas sa iyong kamay. Ikuskos lamang ang balat ng lemon sa inyong mga daliri, kuko, at kamay upang mangamoy fresh ulit.



6. Pampaputi ng ngipin

Kung narinig niyo na, na ang balat ng orange ay nakakatulong sa pagpapaputi ng ngipin dahil sa citric properties nito. Gayundin ang balat ng lemon. Nakakatulong itong alisin ang mga mantsa at naninilaw na kulay sa ngipin. Ikuskos lamang ang puting loob na bahagi ng balat ng lemon sa iyong ngipin at iwanan ng ilang minuto bago mag-mumog. Ngunit huwag itong gawin araw-araw.

7. I-freeze ito para gawing recipe

Maaaring ilagay ang mga balat ng lemon sa freezer upang magamit sa ibang recipes na kailangan ng lemon zest. Maaari itong isama bilang pandagdag sa panlasa ng pagkain, sa tsaa o juice. 

 


Comments

Popular posts from this blog

Lalaki, Nagsuot ng Mascot Costume Upang Surpresahin ang Nobya Ngunit Siya ang Nasurpresa

Isosorpresa Dapat Ng Lalaking Ito Ang Kanyang Nobya Sa Kanyang Birthday, Pero Mas Nasorpresa Siya Nang Mahuli Niyang May Kayakap Itong Iba

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Magandang Foreigner Na-inlove Sa Isang Pinoy Tricycle Driver At Ngayon Ay Kanya Nang Asawa