7 Magandang Benepisyo Ng Paggising Ng Maaga Sa Umaga

Tuwing ikaw ay walang pasok sa eskwelahan o kaya sa trabaho, ano ang pipiliin mo? Ang gumising ng maaga o matulog na lang ng mas matagal? Malamang marami ang pipiliin na matulog na lamang ng matagal dahil masarap nga namang matulog.

Ngunit may pasok man o wala ay mas maganda pa rin ang magising ng maaga dahil mas marami itong magandang benepisyong naidudulot hindi lang sa iyong katawan kundi sa pati na rin sa iyong buhay. Narito at alamin ninyo!

1. Mas mataas ang iyong productivity

Kung gumising ka nang maaga, mas marami kang oras na magawa at matapos mo sa tamang oras ang iyong mga trabaho at tungkulin. Mas tataas ang iyong productivity kumpara kung gumising ka ng late.

2. Mas may oras ka para mag-ehersisyo

Isa sa mga dahilan kung bakit karamihan sa mga tao ay hindi nageehersiyo ay dahil sinasabi nila na nagkukulangan sila ng oras para gawin ito. Ang kailangan mong gawin ay magkaroon ng disiplina sa sarili. Gumising ng maaga upang magkaroon ng oras upang makapag-ehersisyo sa umaga. Kahit ito ay 30 minute walking o jogging lang ay may malaking impact na ito sa iyong kalusugan.

3. Magkakaroon ka ng mas masarap at mahimbing na tulog

Akala ng iba na kapag gumising ka ng maaga ay hindi sapat ang oras ng iyong pagtulog. Ang dapat mong gawin ay matulog ng maaga upang gumising ng maaga. Sa ganito ay mas gaganda ang takbo ng iyong body clock at sleep cycle.

4. Pagbabago sa iyong katawan

Ang maagang paggising sa umaga ay nakakapagdulot ng magandang pagbabago sa iyong pangangatawan. Mas magiging maaliwalas ang iyong mukha at makakaiwas ka pa sa pagkakaroon ng eyebags.

5. Magkakaroon ka ng oras para makapag-breakfast

Isa sa mga dahilan kung bakit karamihan ay hindi na kumakain ng breakfast ay dahil nagmamadali na sila upang pumasok sa trabaho. Ang gawaing ito ay nakakapagdulot ng mabilis na pagtaba dahil ang iyong metabolismo ay babagal. Samantala, kapag gumising ka ng maaga ay magkakaroon ka ng oras para mag-agahan.

6. Maiiwasang ma-late

Ang isang rason kung bakit nale-late ang iba sa pagpasok sa eskwela o trabaho ay dahil hindi agad gumigising. Ngunit kung gumising ka ng maaga, mas marami kang oras upang makapaghanda at makapasok ng mas maaga.

7. Nakaka-attract ng positivity

Ang mga taong nagkaroon ng sapat na tulog at nagising ng maaga ay mas masayang haharapin ang kanilang araw ng positibo. Mas mayroon silang peace of mind at makakaattract ng positive energy na benepisyal sa kanilang buong araw.

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera